12' Huwag Hayaan

74 1 0
                                    

Huwag Hayaan
-----•O•-----

Ano'ng inaatupag mo,
Nakatungangang pinanonood ito?
Bakit hinahayaan mong,
Maiwala ang kayamanang regalo?
Tayo ang siyang katiwala,
Sa mga bagay dito sa sanlibutan.
Ngunit paano mo nagagawa,
Na ito'y pabayaan, hayaan lamang?
Mag-isip ng dapat na gawin,
Ang makabubuti, ito'y maagapan.
'Di lang sa labi, sa kilos ng sarili,
Tumimo sa puso't isip, sa mga sinasabi.
H'wag hayaan sa hantungan,
Sa pagpanaw, sagipin mo naman,
H'wag maging sakim sa kayamanan,
Tandaan na ang lahat may hangganan.
Lumakad nang ayon sa kat'wiran,
Isipin ang mabuti, huwag hayaan.

____________________

-----•O•-----

Huwag Hayaan
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJackson

Salamat sa pagbabasa💕

Inang Kalikasan II || KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon