7' Ligaw na Hayop

67 1 0
                                    

Ligaw na Hayop
-----•O•-----

Ligaw na hayop nagkalat sa gubat,
Mangangaso'y sila ang hanap-hanap.
Makita ay agad patatamaan ng sibat,
Kung mamalasin, sila'y ulam agad.
Masukal na parang kanilang tirahan,
Mas ligtas sila dito kaysa hayagan;
Tao'y walang habas, sila'y mauubos,
Laman nila, sa gutom ay ipinantubos.
Malawak ng gubat ang kublihan,
Kanilang tahanan mula noon pa man.
Mula sa simula saksi ang Maylalang,
Ligaw na hayop doon ang kulungan.

____________________

-----•O•-----

Ligaw na Hayop
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJackson

Salamat sa pagbabasa💕

Inang Kalikasan II || KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon