Sinirang Tahanan
-----•O•-----Tahanan ng mga maiilap na hayop,
Lugar kung saan sila mabubuhay.
Dito ipinasyang sila ay manirahan,
Mula ng lalangin, hanggang mamatay.Sa masukal na gubat na kublihan;
Tiyak na ligtas, dito sila mananahan.
Ngunit 'di naglaon anong hantungan?
Ang kagubatan, ngayon nasaan?Naglahong tipak ng isang kayamanan,
Gubat na yaman pinagsamantalahan.
Taong nakinabang sa kasakiman,
Hayop sa parang sa sirang tahanan.Hindi na maibabalik, tayo ang dahilan.
Sa nasirang tahanan ating pakinabang,
Kaawa-awa ang mga naaapektuhan,
Sa'ting panahon tayo rin ang nawalan.Isipin nating kailangan nila ang gubat,
Saan tutungo kung sira na ang lahat?
Saan paroroon, sila'y mangangalat?
'Di lang tayo ang mabuhay ng marapat.Sinirang tahanan, pansinin mo naman.
Ganito nalang ba ang kahihinatnan?
Makasariling adhikain, paninindigan?
Paano na ang bukas, ating pagnilayan.
____________________-----•O•-----
Sinirang Tahanan
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕
BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Poezja#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...