3' Awit ng Kalikasan

223 3 0
                                    

Awit ng Kalikasan
-----•O•-----

Matatayog na puno sa bundok ay nakatirik,
Malalagong damuhan, bulaklak na marikit.
Halimuyak sa hangi'y tunay na nakakaakit,
Nakakagamot ng sugat, sa dibdib ng sakit.

Hampas ng alon sa maputing buhanginan,
Magandang pagmasdan asul na karagatan.
Ibon sa himpapawid masiglang nag-awitan,
'Di mauumay' pag sila ang matunghayan.

Bughaw ang langit tanaw sa himpapawid,
Biglang nakaramdam puso kong manhid.
Luha sa mga mata ko'y nahinto at napahid,
Sa awit ng kalikasan sa aking paligid.

Lahat ng mga ito'y sa akin ay mahihiwaga,
Pagmulat ng mata pagtambad ng umaga.
Buhay na kay lungkot naliwanagang bigla,
Awit ng kalikasan, sagot sa buhay na aba.
____________________

-----•O•-----

Awit ng Kalikasan
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJackson

Salamat sa pagbabasa💕

Inang Kalikasan II || KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon