"Hays.. sobrang sweet talaga ni labidabs ko, huwait ah? kinikilig ako eh shems. " ani ni jo habang parang tangang di mapakali sa upuan
Napairap nalang ako at ipinagpatuloy yung pagkain ko.
"Rein. magboyfriend kana kasi ulit, para naman hindi kana ganyan diba?" sabat nya ulit dahilan para mapatingin ako sa kanya
"Lol. why would i? para ano? bigyan ang sarili ko ng sakit nang ulo? no. thanks, Hindi ko iistresin ang sarili ko para lang sa lalaki." sagot ko
"Stress talaga? di ba pwedeng inspirasyon? yung magpapasaya sayo. yung gigising ka sa umaga na makikita mo yung mga messages nya sayo. yung may yayakap sayo pag malungkot ka. mga ganun duh!"
"pfft. srsly? HAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ko habang nakatingin sa kanya.
myghad. bestfriend ko ba talaga to?
Cringe.Napasimangot naman sya tsaka sinamaan ako ng tingin " anong nakakatawa? ganyan kaya sakin si bry. nakakakilig nga eh"
"Tas ano? iiwan ka din? sa umpisa lang yan jo. iiwan ka din nyan at ikaw magiging kawawa ka kasi naiwan ka at wag kang lalapit sakin para umiyak dahil sawa na ko sa drama." deretsong sagot ko sabay subo nang chocolate cake
"Mahal nya ko. Ramdam ko yun at hindi nya ko hahayaang masaktan no!" reklamo nya sabay pout
wtf is wrong with these ppl?
"i don't believe in love. sa umpisa ka lang mahal nyan" tatawa tawang ani ko
Napairap naman sya bago sumagot "Ah basta! papatunayan ko sayo may forever kami ni bry!"
Natawa nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko nang cake.
Habang nakadungaw ako sa bintana.
i saw a lot of couples.
Lol. natatawa nalang ako sa kanila.
Lalo sa babae. bat nila sasayangin oras nila sa lalaki? kung sa huli naman iiwan din sila.Di na ako naniniwala sa pagmamahal.
noong bata ako pinaniwala ko ang sarili ko na magiging masaya ang lahat basta may kasamang pagmamahal. pero habang lumalaki ako dun ko napagtanto na hindi lahat ng bagay kayang pagaangin ng pagmamahal.Minsan nga, ang pagmamahal pa ang nagccause sa isang tao ng stress, depression na nauuwi sa pagpapakamatay. masyado silang nalunod sa pagmamahal sa isang tao and that's stupid.
Napangisi nalang ako ng may matanaw akong dalawang tao na kasalukuyang nagtatalo sa daan.
Pilit na hinihila nung babae yung braso nung lalaki. parang nagmamakaawa
"magandang tanawin to." bulong ko sa sarili ko napansin ko namang napalingon sakin si jo at tinignan din yung pinapanuod ko
Derederetsong naglakad papasok yung lalaki dito sa loob ng coffee shop sunod naman nang sunod sa kanya yung babae.
Parang aso. Hahaha
"Ano ba lucas! Kausapin mo ko! Sabihin mo sakin. Hindi totoo yung nakita ko diba?!" sigaw nung babae sabay haltak na naman ng braso nung lalaki
Nagtinginan naman sa gawi nila yung mga taong nandito ngayon sa loob.
Lumingon naman sa kanya yung lalaki tyaka tinanggal yung kamay nung babae na nakahawak sa braso nya. "Totoo lahat ng nakita mo. I'm sorry ella."
Ilang segundong di nakasagot yung babae at nananatili syang nakatingin nang deresto sa mata nung lalaki. "kelan pa lucas? KELAN MO PA KO NILOLOKO?!!!!" galit na sigaw ng babae
Napatingala yung lalaki at bumuntong hininga "isang taon na" sagot nito
Agad na sinampal nung babae yung lalaki habang patuloy pa din sa pag-iyak.
YOU ARE READING
Take Me To Your Paradise (COMPLETED)
RomanceIn a tale of love, redemption, and unlikely connections, Rein, a woman harboring wounds from past relationships, crosses paths with Ian, a homeless man in need of compassion and support. Moved by empathy, Rein and Ian's paths intertwine as she, alon...