3. The House in the Woods

8.4K 440 193
                                    

First day ko sa trabaho kay Mr. Phillips. At gaya nga ng sabi niya, tulog siya sa araw at nagtatrabaho siya sa gabi. Ako raw ang magtatrabaho sa araw kapag tulog siya. Ang tanong ko lang, paano kapag gabi? Dapat ba gising din ako?

"Mr. Phillips, 24/7 ba dapat akong gising?" tanong ko agad kasi hindi niya nilinaw yung sa night part. "Kasi kung gising ka sa gabi tapos tulog ako, paano kapag may kailangan ka?"

Tinitigan ko siya. Nakakrus lang ang mga braso niya habang nakapikit.

Tulog ba siya? Malamang hindi. Deretso siya kung maupo at seryoso lang. Kung ako nga, kapag nakakatulog at nakaupo, nakatingala na, nakanganga pa.

Ilang minuto rin akong nakatitig sa kanya para sa sagot. Ang tangos ng ilong niya sa side view, napahawak tuloy ako sa ilong ko. Cute lang yung ilong ko e, hindi naman pango, saktuhan lang. Ang haba rin ng pilik-mata niya, sobrang curly. Gusto ko rin ng ganoong eyelashes. Yung akin kasi, basta meron, puwede na. Yung kilay niya, malago saka dark brown. Kaya siguro natural na brown talaga yung buhok niyang saktong wavy lang.

May asawa na kaya si Mr. Phillips? Good-looking siya e. Kung wala man, baka girlfriend, meron.

Ilang minuto ko na rin siyang inoobserbahan, wala talaga akong nakuhang sagot sa tanong ko.

"Sabi ko nga, di na ako magtatanong." Napalingon tuloy ako sa labas. Hindi ko na napansin, narito na pala kami sa Belorian Avenue.

Nasa pangalawang street ang apartment kung nasaan ako nakatira. Ilang sandali pa, lumiko na kami sa kanan papasok sa iron gate na kusang bumukas pagtapat doon ng kotse namin.

Helderiet Woods—parte ang kakahuyan ng kabilang town patawid ng Belorian. The Grand Cabin ang landmark between the city at sa town ng Helderiet. Isang kalsada lang ang pumapagitan sa siyudad at sa bayan. 500 acres din ang laki ng Helderiet Woods at nasa pinakamalapit sa entrance ang The Grand Cabin. Pero kahit pa sabihing pinakamalapit, mahigit isang kilometro din ang lapit na 'yon.

Nasa gilid ng sementadong kalsada ang malaking metal board na may naka-print na "private property of Prios Holdings, in partnership with the Office of Historical Commission and Town Mayor's Office of Helderiet.

Prios Holdings?

Doon dapat kami mag-a-apply ni Zephy last time kaso hindi kami tumuloy.

"Mr. Phillips, sabi mo, sa 'yo yung Cabin," sabi ko paglingon ko ulit sa katabi ko. At sa wakas, nakamulat na siya at nakasilip sa relo. "Property pala 'to ng Prios."

"And?" sagot niya, sa wakas.

"Masyadong malaki yung Prios Holdings. Binigay po ba sa inyo as CEO ng Jagermeister? Di ba, parent company ng JGM yung Prios?"

Binuksan na naman niya ang folder na pinirmahan ko kanina. "Why ask?"

"Sabi kasi nila, terror yung executives sa Prios. Doon dapat kasi ako unang mag-a-apply kaso nag-back out kami."

"Mmm."

"Sayang din, kasi 200 dollars din yung salary. Parang yung sa personal secretary position sa JGM."

"Mmm."

"Pero ayos lang naman kasi 200 dollars din yung deal ko sa inyo. Sa chairman daw kasi ng Prios Holdings yung secretarial position. Kaso wala pa raw pumapasa sa kanila mula nang mag-open sila ng hiring. Lahat na raw ng qualified applicants, sumubok na roon pero walang nakuha. Saka wala rin daw nakabalik after ng applications."

"Mmm."

"Bakit kaya gano'n? Di naman siguro nila kini-kidnap yung mga applicant. Wala naman kasing nag-fi-file ng complaint for missing person. Kaya nga pinigilan ako ni Zephy last time. Baka raw kasi hindi ako pumasa tapos hindi na rin ako makabalik. Wala raw kasing hahanap sa 'kin kasi wala naman daw akong pamilya."

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon