"Edric, parating na siya!"
Napalingon agad siya sa direksyon ng pintuan ng kusina dahil parang batang tuwang-tuwa ang pinsang si Marius. Ang lapad ng ngiti nito na tila ba dumating na ang hinihintay na kalaro matapos ang maghapon.
Dinaluhan na niya ang pinsan na paatras na naglalakad habang kinakausap siya. Sa wakas ay makikita na rin niya ang dalagang sinasabi ng buong pamilya na dapat iwasan.
"Mabait siya, kapatid. Nakilala ko siya sa loob ng kakahuyan. Sinabi niya sa 'king tumutugtog siya tuwing gabi kaya inaya ko siyang tugtugan ako nang may bayad."
"You let a cursed witch to enter this mansion, Marius. Can you be more imprudent than that?"
Napahinto siya sa may pintuan at nadagit na agad ng mata ang dalagang papalapit sa mansiyon. May dala itong itim na lalagyan ng biyulin at nakasuot ng puting bestidang hinahangin ang laylayan at manipis ang taling pinakamanggas nito.
Mula sa direksyon ng pintuan ng mansiyon, walang ibang nakikita ang kanyang paningin kundi isang marikit na dilag na kumikinang sa liwanag ng buwan. Napakaamo ng mukha nito kahit pa nakikitaan niya ng seryosong tingin. Pakiramdam niya ay saglit na huminto ang pag-inog ng mundo habang nakatitig dito. Bumagal ang lahat upang bigyan siya ng pagkakataong pagmasdan nang maigi ang gandang nasisilayan.
Ang sabi ng pamilya ay isinumpang nilalang ang mga Dalca. Nakakatakot at dapat pangilagan dahil ang dala nila ay kamatayan ng pamilya.
Pero sa mga sandaling iyon, lahat ng salitang ipinanakot sa kanya ng mga taga-Prios, nabura ang lahat ng iyon nang makalapit ito sa kanila sa veranda.
"Magandang gabi, Marius. Mukhang hindi ka nag-iisa ngayon."
"Napakaganda talaga ng gabi, Quirine. Kanina ka pa namin inaabangan ng pinsan ko," sabi ni Marius at inalok agad nito ang kamay sa dalagang kararating lamang. "Kasama ko ngayon si Edric. Anak siya ng panganay na kapatid ng aking mama."
"Ganoon ba?" Bigla itong ngumiti at sumulyap sa kanya. "Magandang gabi sa iyo, Edric. Ikinagagalak kong makilala ka."
Naestatwa na siya sa kinatatayuan. Napakahinhin ng tinig nito at parang nanghehele. Huli na nang mapansin niyang nakaawang na pala ang bibig niya habang nakatitig dito.
"Kapatid, napakaganda niya, hindi ba?" bulong sa kanya ni Marius at binangga pa siya sa kanang balikat.
"I thought she's a witch."
"Yeah, right? Show me that witch you're talking about." Tinawanan lang siya ng pinsan at hatak-hatak na nito si Quirine patungong kusina.
Napilitan tuloy siyang sumunod para malaman kung anong gagawin ng dalawa sa kusina. Pero hindi roon ang talagang tungo ng mga ito kundi sa indoor garden na kanina niyang pinuntahan.
♥♥♥
Parang batang hindi mapakali si Marius. Ngiti ito nang ngiti kay Quirine habang titig na titig dito. Pumuwesto pa ito sa may piano habang bahagyang nakatuwad at nakapangalumbaba roon.
Pumuwesto naman si Edric sa hamba ng palabas sa hardin at nagdududang pinanonood ang dalawa sa gitna ng lugar.
"Ano ang hapunan mo, Quirine?"
"Nakahuli ako ng kuneho sa gubat kaninang tanghali. Nakabili ako ng ilang gulay sa pamilihan mula sa iyong bayad sa aking pagtugtog kaya may masarap akong pagkain ngayong gabi. Sigurado naman akong mas masarap ang pagkain mo kaysa pagkain ko."
"Ipinagluto ako ng rare steak ng isa sa mga maid. Gusto ko ring makakain ng pagkain mo balang-araw."
Biglang tumaas ang kilay ni Edric nang haplusin nang marahan ni Quirine ang pisngi ni Marius. Napaayos agad siya ng tindig para umalma kung para saan ang paghawak na iyon.
BINABASA MO ANG
Prios 1: Contract with Mr. Phillips
VampireNapakadaldal na babae ni Chancey kaya kataka-taka kung bakit siya ang napiling sekretarya ni Mr. Donovan Phillips sa gitna ng napakatahimik na lugar ng Helderiet Woods. Kalat na kalat ang balitang walang tumatagal na sekretarya sa chairman ng Prios...