Napalalim ang tulog ko gawa ng pagod at pamamanhid ng balikat. Kaya nang magising ako dahil sa marahang pagkilos, nakailang pikit-pikit pa ako bago ako umungot.
Pagdilat ko nang mabuti, maliwanag na sa kuwarto ko. At hindi lang basta liwanag. Tumatagos ang liwanag sa puting kurtina.
"Hah—aww!" Napangiwi agad ako sa kirot pagkadiretso ko ng upo. Hahawakan ko sana kaso pag-angat ko ng kamay, may nakaipit pang kamay roon.
Tingin sa kamay, tingin sa may-ari ng kamay. Tingin ulit sa kamay, tingin ulit sa may-ari ng kamay.
Nandilat agad ako nang maalala kong may araw na.
"Hala, Mr. Phillips! Aray—!"
"Chancey . . .?"
Siya na ang nag-ayos sa akin sa pagkakaupo sa kama. Masakit pa rin naman yung balikat ko, pero kaya ko naman nang kumilos, sa totoo lang, pero masakit pa rin kasi kada galaw. Pumaling lang ako sa kanya at sumalampak sa higaan
"Mr. Phillips, kumain ka na ba?" nag-aalala kong tanong kasi tanghali na. Pagtingin ko sa orasan, alas-otso na ng umaga. Pagbalik ko ng tingin sa kanya, umiling lang siya sa akin.
Ay, grabe siya!
"Dapat ginising mo 'ko!" reklamo ko pa.
"You need to rest, Chancey."
"Kanina ka pa gising?"
"Hindi naman ako natulog."
"Mr. Phillips?! Dapat nag-breakfast ka na! Alas-otso na, o! Ano ka ba namang tao ka?" singhal ko sa kanya. "Ay, di ka pala tao, sorry."
Hawak-hawak ko na lang ang balikat ko pag-alis ko sa kama. Alas-otso na! Dapat tulog na siya! At dapat kanina pa siya nag-almusal!
Hindi naman ako mamamatay, binantayan pa 'ko buong magdamag?
"Tara sa baba, magluluto ako," sabi ko na lang at naglakad papuntang pintuan.
"But you can't even sit properly."
"Kaya ko. Marunong ka pa sa 'kin." Sinimangutan ko siya pagkabukas ko ng pinto. Nakasunod naman siya, buti at hindi ko na kailangang kaladkarin. "Tanghali na, dapat bumaba ka na lang para mag-almusal. Puwede ka namang bumalik agad."
"I told you, babantayan kita."
"Pero dapat nga kasi, nag-breakfast ka muna, di ba? Wala namang kukuha sa akin sa kuwarto ko. Tingnan mo 'to." Itinuro ko yung hallway. "Malinis yung sahig, di ba? Wala akong lilinising dugo ngayon."
"Tell that to your shoulder, Chancey."
"Ikaw, Mr. Phillips, intrimitido ka rin talaga kung minsan."
Sinabayan niya ako sa pagbaba kahit na kaya naman niyang mauna. Hindi ko alam kung nang-aasar ba o ano. Sabi niya kagabi at ipinakita niyang mabilis siyang tumakbo, tapos ngayon, sasabay siya sa kabagalan kong maglakad?
"Sure kang wala kang sugat, Mr. Phillips?" usisa ko kasi talagang tamang pasyal lang kami pababa sa second floor.
"Are you worried?"
"Mr. Phillips, sabi ko na, di ba? Normal sa tao ang mag-alala."
"You're not—"
"Tao ako, period! Ikaw, 'wag ka ngang basag nang basag sa sinasabi kong tao ako, Mr. Phillips. Sinisira mo yung paniniwala ko e."
"Alright."
Inirapan ko lang siya nang tawanan na naman ako nang mahina. Minsan, gentleman 'to si Mr. Phillips; minsan, bully rin e.
BINABASA MO ANG
Prios 1: Contract with Mr. Phillips
VampireNapakadaldal na babae ni Chancey kaya kataka-taka kung bakit siya ang napiling sekretarya ni Mr. Donovan Phillips sa gitna ng napakatahimik na lugar ng Helderiet Woods. Kalat na kalat ang balitang walang tumatagal na sekretarya sa chairman ng Prios...