Alas-sais pa lang ng umaga, pagkatapos kong mag-almusal, naligo na agad ako saka nagbihis ng simpleng white blouse, black skirt na hanggang tuhod ang haba, saka doll shoes.
Ang sabi ni Mr. Phillips, kunin ko raw ang mga document na ilalabas ko sa Cabin para dalhin sa Prios. Hindi ko pa nakikita ang loob ng kuwarto niya kapag umaga kaya naninibago na nakapasok ako sa loob. Para pa rin kasing gabi, nakasara ang lahat ng kurtinang kulay itim at madilim na pula.
"Ask Eulbert about the department heads. He'll tell you where to bring these papers inside the building. Lance will drive you to Prios and back here to Helderiet."
"Noted, Mr. Phillips, sir." Inipon ko ang lahat ng folder na tatlong gabi kong inayos para dalhin sa ibaba.
"Is this the same attire you wore on your first day?"
Saglit akong napatingala sa kanya at napatingin agad sa damit kong tinutukoy niya. "Mr. Phillips, I don't have any better formal clothes aside from this. Pero nilalabhan ko naman po after kong gamitin." Nginitian ko siya at binuhat agad ang mga folder na ibababa ko. "Pagbalik ko na lang po lilinisin ang kuwarto sa kabila, Mr. Phillips. Napunasan ko naman na po ang hallway kaya wala nang dugo."
Pumunta na agad ako sa direksiyon ng pinto. Pero bago ko pa mahawakan ang doorknob, tinawag na niya ako.
"Chancey."
"Yes, Mr. Phillips?"
"Take this." Ipinatong niya ang isang platinum card na nasa loob ng isang transparent case doon sa ibabaw ng buhat-buhat kong mga folder. Tiningnan ko iyon sunod ang mukha ni Mr. Phillips na matipid na nakangiti.
"May ipapabili po ba kayo, Mr. Phillips, sir?" tanong ko agad.
"The password is 1756. I don't want to see these clothes again," pagturo niya sa kabuoan ko. "Buy new formal suits."
"Po?" tanong ko agad habang nakatitig sa mukha niya. "Pero, Mr. Phillips . . ."
"Ah! I know." Nagtaas siya ng hintuturo at binawi ang card. "I'll ask Morticia to guard the mansion." Bumalik siya sa table niya at inilapag doon ang card. "Wait for me in the living room."
"Sir?"
May mga moment talagang hindi ko nage-gets si Mr. Phillips. Hindi pa magaling ang mga sugat niya. Alam naming pareho iyon. Maliit na lang na hiwa, pero may hiwa pa rin. Ang utos niya, hintayin ko raw siya sa living room. E di, hintayin siya. May magagawa ba ako?
Umupo ako sa cushioned couch malapit sa fireplace at inilapag ang folders na dala ko sa mababang center table sa gitna.
Malapit nang mag-alas-nuwebe, at isa lang ang ibig sabihin n'on; makikita ko na naman ang mukha ni Mrs. Serena habang minamata ako.
Hindi ko siya nakita kahapon kasi nga ang aga kong lumayas 'tapos hapon na ako nakabalik para lang maglinis ng duguang kuwarto. Hindi naman sa hindi na ako natatakot kay Mr. Phillips, pero ilang oras na kasi at wala pa siyang ginagawang masama sa akin. Ilang araw na matapos niya akong batuhin ng punyal, actually.
Ni-review ko na lang ang mga document na dadalhin ko raw sa Prios. Na-review ko naman na, at puro lang ito mga papeles na napirmahan na ni Mr. Phillips.
May nabanggit siyang Morticia, at hindi ko alam kung sino nga ba si Morticia. Maliban kay Mrs. Serena, wala na akong ibang kilala rito. Kahit din ang mga maid na naglilinis, hindi ko naman tinanong ang mga pangalan.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga folder nang biglang bumukas ang malaking pinto ng mansiyon at sunod-sunod na nagpasukan ang mga maid na kahawig ko pa ng suot. Napatayo agad ako nang makita ko si Mrs. Serena na naroon na naman sa ayos niyang deretso ang katawan, nasa likuran ang mga kamay, nakapusod ang mauban na buhok, at nakataas ang mukha. Ginaya ko agad ang ayos ng mga maid na nasa may tiyan ang magkapatong na mga kamay.
BINABASA MO ANG
Prios 1: Contract with Mr. Phillips
VampireNapakadaldal na babae ni Chancey kaya kataka-taka kung bakit siya ang napiling sekretarya ni Mr. Donovan Phillips sa gitna ng napakatahimik na lugar ng Helderiet Woods. Kalat na kalat ang balitang walang tumatagal na sekretarya sa chairman ng Prios...