16. Just One Bite

6.2K 410 31
                                    


Never ko pang na-experience na mamili ng damit sa boutique. Kasi ang mahal talaga ng damit. Karamihan pa naman ng mga nasa maleta ko, regalo ng mga kakilala saka binili ko lang sa bazaar tuwing Pasko. Palipat-lipat ako ng bahay kaya hindi ako basta-basta bumibili ng mga damit na mahihirapan din akong bitbitin kalaunan. Nahihiya tuloy akong sabihin kay Mr. Phillips na huwag na akong bilhan ng maraming damit kasi pag-alis ko sa Grand Cabin, malamang na hindi ko rin madadala lahat.

"Mr. Phillips, salary deduction po ba kapag kayo yung bumili ng damit ko?" nag-aalalang tanong ko sa kanya habang sinasabayan siya sa paglalakad sa loob ng mall. Natural, kakabahan ako kasi hindi ako pumapasok sa Geneva—yung mall sa gitna ng city na pagkamahal-mahal ng mga tinda. Ultimo bottled water, kapresyo na ng buong araw kong pagkain. Maraming tao pagdating namin sa loob. Hindi ko alam kung marami bang may pera sa city o talagang mahirap lang ang buhay ko kasi ang daming namimili sa loob. Nakakarami na kaming stall na nalalampasan, at ewan ko ba kung bakit hindi nila napapansin na ang weird ng kasama ko. O baka kasi wala lang talaga silang pakialam sa amin.

"Chancey, why are you so worried about the money?" tanong pa ni Mr. Phillips habang hinahabol ko ang bawat hakbang niyang pagkalaki-laki. Nakakahingal siyang sabayan.

"Worried ako kasi wala nga akong pera. Saka hindi pa ako sumasahod."

"Then what are you going to do with your first salary?"

"Bibili ako ng pagkain ko, siyempre. Di ko naman puwedeng kainin yung steak n'yo sa ref. Tapos iipunin ko muna para kapag may pera na ako, puwede na akong lumipat ng apartment."

Bigla siyang napahinto at hinarap ako. Napahinto tuloy ako at tiningala siya.

"Are you planning to move out of the Cabin?"

"Mabilis lang kasi yung six months, Mr. Phillips. Hindi ko pa nga sure kung aabot ako ng six months."

Bigla siyang nagkrus ng mga braso at pinaningkitan na naman ako ng mga mata.

Bakit na naman? Ano na namang ginawa ko? Aburido ba siya kasi wala pa siyang tulog? Sabi na kasing hindi na dapat sumama, layas pa nang layas. Tapos mamayang gabi, lalayas na naman para makipag-basag ulo sa mga monster sa labas ng Cabin. Tampalin ko na kaya 'to si Mr. Phillips para magising sa katotohanan.

"I'll extend our contract. One year," sabi niya.

"Ha?"

"Your stay inside the Cabin is free, right?"

"Oo nga. Maniningil po ba kayo ng renta sa kuwarto?"

"Where are you going after our contract?"

Nagkibit-balikat ako. "Babalik sa hotel para mag-piano?"

"Do you want that job?"

Tumango naman ako. "Mas enjoy ako kapag tumutugtog ako, Mr. Phillips. Hindi ko kasi nararamdamang nagtatrabaho ako kapag masaya ako sa ginagawa ko."

"And you're not happy with your work right now."

"Hmm . . ."

Tumingin pa ako sa upper right para isipin ang sagot doon. Hindi naman sa hindi ako masaya. Okay kasi yung sahod, kaso ang weird lang talaga ng trabaho ko bilang sekretarya niya. Pero okay ang sahod. Siyempre, kapag maganda ang income ko, happy ako kasi hindi ako mape-pressure sa buhay ko. Saka hindi ako namomroblema sa bahay kasi pinatitira niya ako sa Cabin. Tapos sa pagkain naman, may supply ako sa ref hanggang Friday. Hindi rin heavy yung paperworks kasi mabilis akong matapos. Iyon lang, ang sakit kasi sa ulo ng mga nangyayari kapag madaling-araw, lalo na kasi may dugo-dugo nang involved saka monsters.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon