5. Seven o'clock

6.8K 402 45
                                    

Malinis na naman ang buong Cabin pagbalik namin ni Eul. Akala ko, magtatagal siya. Pagbaba ko ng mga gamit ko sa sasakyan, nagpaalam na siya dahil kailangan na niyang umuwi.

Ayoko namang sabihing tulungan niya akong mag-akyat ng maleta hanggang third floor kasi nangutang na nga ako pang-almusal tapos aalipinin ko pa siya. Ang kapal ko na nang ultimate level n'on kasi general manager siya ng JGM tapos bagong hire lang akong secretary at wala pa ngang sinasahod, para utusan siya.

Pagkatapos kong ilagay sa third floor ang gamit ko, bumaba na ako sa kusina. Kung bakit naman kasi pagkalaki-laki ng Cabin, sana man lang may elevator paakyat at pababa.

"Ito raw yung menu." Kinuha ko sa corkboard yung mga papel saka binasa. Halos lahat puro pang-seven p.m. meal. Wala nang ibang schedule maliban doon.

"Steak saka isang carton lang ng red water ang nakalagay. Ano yung red water?"

Pinuntahan ko agad yung two-door refrigerator at nakitang ang daming styropor na puro . . . karne. Sa ibaba naman, nakahilerang metallic cartons na may naka-print na "RED WATER" sa harapan. Iyon lang.

Binalikan ko ang menu. Yung steak, three minutes lang na isasalang sa frying pan tapos ire-ready na sa plato.

Kumuha ako ng isang nakalagay sa styro at inobserbahan iyon.

"Ang kapal ng karne nito, maluluto ba 'to nang three minutes lang?"

Binalikan ko ang instructions.

"Mr. Phillips wants his steak rare. Ah . . . kaya pala. I see, I see."

Mahilig sa hilaw na karne si Mr. Phillips. Noted!

Kinuha ko naman yung isa sa red water kasi bago sa mata ko.

"Ano kaya 'to?" Walang ibang label sa carton. Walang nutritional facts o kaya ingredients. Binalikan ko na naman yung instructions. "Never attempt to drink the red water. Bakit?" Nagbasa pa ako ng kasunod na instructions. "Just don't and don't ask why."

Ay, grabe siya.

Kinakausap ba ako nitong instruction?

Don't ask why daw e di, don't ask. Ibinalik ko na lang sa ref at nagkalkal pa ng ibang laman. Kaso tama si Eul. Wala raw ibang makakain sa ref ni Mr. Phillips. Kapag sumahod na lang ako saka ako mamimili ng pagkain ko.

At dahil mabait talagang likas si Eul, binilhan niya ako ng makakain hanggang bukas ng umaga. Sabi rin niya na may sarili naman daw ref sa kuwarto ko kaya doon na lang daw ako mag-stock ng pagkain for me. Basta raw huwag kong iistorbohin si Mr. Phillips sa kalagitnaan ng gabi.

Hindi ako familiar sa secretarial position, aminado naman ako. Pero ewan ko kung ganito ba talaga ang gawain ng secretary. Ang alam ko kasi puro paperworks o kaya patimpla ng kape. Hindi ko naman alam na magluluto rin pala.

Sabi ni Mrs. Serena, dapat daw before seven, nakaluto na ako. Kaya nag-abang ako sa paglubog ng araw para masimulan na ang paghahanda.

Sobrang lungkot sa Cabin. Tahimik din. Wala man lang music o kahit ano. Buong araw na tulog si Mr. Phillips kaya hindi siya mabo-bore. Pero ang haba ng tulog niya. Twelve hours straight? Wala akong nakikitang ibang tao rito sa Cabin maliban sa akin kaya masasabi ko nang wala siyang asawa. Wala pang sumusugod ditong babae at nagsasabing girlfriend niya kaya sure na sure na akong single siya.

Guwapo naman si Mr. Phillips, pero mas type ko yung amo ng mukha ni Eul. Pero malakas din ang dating ni Mr. Phillips kahit mukha siyang intimidating.

Naglibot-libot ako habang naghihintay sa paglubog ng araw. Sa ground floor, may mini library sa living room. Doon ako tumambay sa labas habang nagbabasa ng Pride and Prejudice. Ang daming classic books sa living room, hindi ako mabo-bore. Buti at mahilig akong magbasa. May smartphone naman ako kaso nahihirapan akong gamitin dahil sira na rin ang battery kaya dapat naka-charge lang palagi. Kapag talagang sumahod na ako, bibili ako ng bago.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon