Noodles lang ang pagkain ko para sa hapunan. Gusto ko sana ng ibang pagkain pero noodles lang kasi ang mabilis maluto. Sabi ni Mr. Phillips, hihintayin niya akong makatapos sa pagluto at sasabayan ko raw siya.
Ang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko na alam kung ano na ang dapat kong maramdaman. Kasi naman, natatakot ako kasi baka patayin niya ako, pero naaawa rin kasi ako sa kanya. Kahit nga iniisip kong papatayin niya ako, inaalala ko pa rin kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon.
Sabi ni Mrs. Serena, ayaw ni Mr. Phillips nang may kasabay sa pagkain. Kaso maghihintay nga raw si Mr. Phillips at hindi niya gagalawin ang pagkain niya hangga't hindi ako bumabalik. Kaya nga minadali ko na ang pagluluto kasi baka magalit siya at pagbuntunan ako ng inis. Baka wala pa siyang planong patayin ako pero baka magkaroon na dahil masyado na akong paespesyal.
"Mr. Phillips, dito na lang po ako kakain," sabi ko nang pumuwesto ako sa kabilang dulo ng mahabang mesa, higit sampung upuan din ang layo sa kanya.
"Sit here beside me."
"Po?"
"Here." Itinuro niya ng tingin ang kaliwang upuan niya.
"O-Okay po." Nakatungo lang ako nang lumakad papalapit sa puwestong sinabi niya.
Napanis na ang kaba ko, kumalma na ang puso ko sa mabilis na pagtibok. Mas nangingibabaw nga sa akin ang lungkot at pagkadismaya kasi pangatlong gabi ko na, ngayon ko lang nalaman kung ano'ng nangyayari sa Grand Cabin kapag alas-dose pasado na ng gabi.
Umupo ako sa kaliwang tabi niya at sinulyapan ang laman ng plato niyang niluto ko habang nakayuko. Karneng mahilaw-hilaw pa iyon, seafood noodles naman ang akin.
Ayoko siyang tingnan sa mga mata, baka bumalik ang takot kong unti-unti nang nawawala. Sinabi ko pa namang gusto ko nang umalis pero heto ako, sasabayan pa siyang maghapunan.
"I want to apologize for not telling you the truth last night, Chancey."
Napalunok na lang ako dahil sa sinabi ni Mr. Phillips. Nakakatakot talaga ang boses niya. Lalo kong nararamdamang halimaw talaga siya na ayaw niya lang aminin.
"I didn't mean to disturb you in your sleep," dagdag niya.
Wala naman sa akin kung naistorbo niya ako sa pagtulog ko. Kung hindi ba sila nag-ingay kagabi, hindi ko pa ba malalaman na iyon pala ang dahilan kaya palaging may dugo sa third floor?
"Mr. Phillips, magaling na po ba ang mga sugat n'yo?" tanong ko na lang nang maalala ko kung bakit ko nga ba talaga siya binalikan dito sa mansiyon. Nakasuot lang siya ng maluwang na itim na dress shirt. Nakikita ko lang kasi siyang nakaputing shirt o kaya topless kaya naninibago akong nakaitim siya.
"I'm fine. Thank you for asking."
"Mr. Phillips, monster po ba kayo?" Sinulyapan ko siya para makita ang reaksiyon niya kahit saglit lang. Nakatitig lang siya sa akin kaya napayuko na lang ako dahil sa hiya.
"Will it bother you if I am?"
"Sinipsip n'yo po kasi ang dugo ko," sabi ko at itinaas nang bahagya ang braso kong sinugatan niya. "Inisip ko lang po na baka bampira kayo."
"I am."
Napatingin agad ako sa kanya. "Totoo?" Itinuro ko agad ang carton ng Red Water sa kanan ng plato niya. "Umiinom kayo ng dugo ng tao?"
"This is animal's blood produced from Prios Dairy Farm," sabi niya. "My eyes will turn red once I drink human blood. If not, it will stay golden."
Napasinghap agad ako dahil sa sinabi niya. Kaya ba gold ang mata niya 'tapos naging red kaninang madaling-araw? Gano'n ba iyon?
BINABASA MO ANG
Prios 1: Contract with Mr. Phillips
VampireNapakadaldal na babae ni Chancey kaya kataka-taka kung bakit siya ang napiling sekretarya ni Mr. Donovan Phillips sa gitna ng napakatahimik na lugar ng Helderiet Woods. Kalat na kalat ang balitang walang tumatagal na sekretarya sa chairman ng Prios...