6. First Night High

6.6K 428 37
                                    

Instant noodles lang ang hinapunan ko para mabilis kainin. Nahihiya ako kay Mr. Phillips, maghihintay pa siyang magluto ako. Half past seven ng gabi, umakyat na agad ako sa third floor.

Para talagang langit at impyerno yung third floor, sa totoo lang. Kung anong ikinaliwanag ng kuwarto ko, siya namang ikinadilim ng vibes sa kabila. Hindi ko pa alam pagdating sa kuwarto ni Mr. Phillips.

Hindi naman sa naiilang ako kasi kuwarto niya 'yon, malay ko ba e kuwarto lang ng papa ko ang kuwarto ng lalaking napasok ko sa tanang buhay ko. Puro pa pintura at canvas ang loob n'on maliban sa maliit na papag. Pero inisip ko na lang na baka naroon din ang office niya kaya ako ipinatawag doon.

Hindi ko naman masasabing sobrang ganda ko. Saktuhan lang talaga para hindi ako pag-interesang ligawan ng kahit sinong lalaki. Ewan ko, ang pangit ko lang siguro in some aspect.

Walang ipinagkaiba ang itsura ng hallway ng third floor kapag umaga o gabi. Pag-akyat sa hagdan, madilim pa rin at lamp lang sa pintuan ni Mr. Phillips ang bukod-tanging ilaw.

Nahagip na naman ng tingin ko ang katapat na pinto ng kuwarto ko. Sobrang creepy talaga ng black door, parang hindi magandang pasukin. Sabi rin naman ni Mr. Phillips, huwag papasukin, e di hindi.

"Mr. Phillips?" pagtawag ko saka ako kumatok nang tatlong beses.

"Come in."

Hindi naman naka-lock ang doorknob kaya binuksan ko na ang pinto saka sumilip muna para hanapin ang tao sa loob. Nakita ko sa dulong kaliwa si Mr. Phillips. Nakasuot na nga siya ng white buttoned blouse pero hindi naman nakasara. Kita pa rin yung chiseled chest niya at eight-pack abs. Ayoko namang mag-assume na inaakit niya ako kasi sobrang kapal ko naman kung iisipin ko 'yon. Bahay naman niya 'to kaya bakit ba ako mag-a-assume?

"Mr. Phillips." Pumuwesto ako nang di-kalayuan sa may pinto, ginaya ko yung mga maid kaninang umaga sa pagtayo. Straight tapos magkapatong yung mga kamay sa may bandang tiyan.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya papalapit sa puwesto ko. May dala siyang naka-stapler na mga papel tapos binabasa niya habang papunta sa gitna ng malaking kuwarto.

Akala ko, may chandelier din sa loob gaya ng sa kuwarto ko kaso wala. Meron lang dalawang pabilog na candle holder sa kisame. Wala namang candle doon pero may yellow lamp naman. Hindi kasimbongga ng kuwarto ko. Nasa dulong kanan yung canopy bed niyang red velvet ang kurtina at black naman ang mattress at kumot. Amoy-kandila sa loob. Sa pinanggalingan niya sa kaliwa, may bookshelves doon na maraming libro tapos wooden table na maraming patong-patong na folder.

Sabi na, narito rin yung office niya.

"You have a degree in Music," panimula niya. Ang baba talaga ng boses niya. Hindi ganoon kaliwanag sa loob ng kuwarto niya kaya lalo lang dumilim dahil sa boses niya.

Humugot muna ako ng hininga bago sumagot. "Yes, Mr. Phillips. I finished my degree eight years ago."

"What are your working experiences?" Huminto siya sa likuran ng single-seat sofa na may red velvet cushion, doon sa gitna ng kuwarto, at saka ipinatong sa sandalan ang mga braso niya bago tumitig sa akin.

Napalunok ako. Dapat kagabi pa niya tinanong 'to para hindi ako mukhang engot na narito na sa bahay niya para magsimula.

"I . . ." Yung paghinga ko naging buntonghininga na. "I worked as a clerk at the city library for a year after I graduated in college. My family moved to the Upland, so I needed to work in a hotel for three years as a pianist. After my parents died, I had to move again, from city to city, to find a decent job and a place to stay. I worked in a meat shop as a part-time cleaner. I sell music sheets and sing for special occasions. However, I wasn't able to land on a regular job for almost six months after I left the previous city I lived in." Naging matipid ang ngiti ko matapos ang sagot ko.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon