Hindi na talaga nakakatuwa si Mr. Phillips kapag late siyang nakakatulog at late siyang nakakapag-almusal. Kapag on-time lahat ng nasa schedule niya, hindi naman siya nang-iinis.
Akala ko, trip lang niya na pasusuutin ako ng damit niya. Lait na lait talaga lahat ng gamit ko sa kanya, tinawag niyang basahan makailang beses.
Kasalanan ko bang wala akong pera pambili ng damit? Palibhasa siya, mayaman siya kaya mamahalin ang mga gamit niya, e paano naman ako? Ilang buwan na nga akong nag-aalmusal ng biskuwit lang, bumili pa kaya ng damit?
"Kapag sahod ko, bibili ako ng masusuot ko para hindi ka nagmamahadero diyan, Mr. Phillips," naiiritang sinabi ko habang sinusundan siya ng tingin.
Pinaupo niya ako sa kama niya. Yung malambot na malambot niyang kama kahit color black ang mattress. Tapos binalot niya ako ng itim ding kumot na amoy . . . well, akala ko, amoy kamatayan, pero amoy vanilla. Ewan ko ba, ang bango ng kumot niya, amoy masarap at matamis na dessert.
"And what kind of clothes are you going to buy, hmm?" tanong pa niya habang namimili ng ibibigay sa akin. Kung yung navy blue ba o yung black na dress shirt.
"Kahit alin diyan, ibigay mo na lang, Mr. Phillips, huhubarin ko rin naman pagkatapos e."
"If Willis won't look at your wound, I'll keep you undress for the whole day."
"HOY!" Dinuro ko agad siya.
Ito, alam ko na 'to e. Noong isang araw pa, sa totoo lang. Ang hilig-hilig pag-initan yung katawan ko e. Tapos ang harot-harot pa sa 'kin. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin ang lahat ng kilos niya. Mabuti sana kung hindi paulit-ulit.
"Alam mo, Mr. Phillips, nahahalata ko na 'tong mga ginagawa mo, ha. Ayoko sanang magsalita pero obvious na obvious na e. Nararamdaman ko talaga sa kaibuturan of my beating heart. Umamin ka nga sa 'kin . . ."
"And what am I suppose to confess?"
Tinitigan pa niya ako nang matiim. Parang nag-aabang ng sagot sa akin kahit na siya naman ang tinatanong ko. Tapos nakaangat pa yung dulo ng kanang labi niya, as if namang ikinaguwapo niya 'yon.
Or sige, aminin na nating ikinaguwapo niya nga, pero hindi naman 'yon ang point.
"Mr. Phillips, yung totoo . . ." sabi ko pa habang seryosong nakatitig sa mga mata niya. "Mahilig ka sa Barbie, 'no?"
"WHAT?" gulat pa niyang tanong at bigla siyang humalakhak nang sobrang lakas.
At heto na naman siya sa tawa niyang high-pitch na parang wala siyang boses na pang-Devil level kasi nagiging normal na tawa na lang ng mga lalaking . . . ayun, lalaking guwapo.
Saka bakit ba siya natatawa e noong isang araw pa niya ako ginagawang manika? Baka naghahanap pala talaga siya ng laruan at ako ang napagdidiskitahan kasi ako ang available dito.
"Mr. Phillips, hindi kita i-ju-judge sa preference mo, don't worry," kalmado ko pang sinabi habang tumatango.
"You don't have any idea about my preference, Chancey." Ibinato niya sa velvet chair niya yung navy blue na damit at lumapit na sa akin tangay-tangay yung itim.
Inilapat ko agad ang kanang palad ko sa dibdib. "Kung ano ka man maliban sa pagiging bampira, Mr. Phillips, tanggap na tanggap kita, huwag kang mag-alala."
Tawa lang siya nang tawa nang mahina habang umiiling na para bang ang laking joke ng sinabi ko.
Pero totoo naman. Kung mahilig siya sa mga ganoong bagay, wala namang kaso sa akin. May mga lalaki namang mahilig sa dress-up, okay lang. I don't want to judge. Tanggap ko ngang hindi siya tao, doon pa kaya sa mga hilig niya? Open-minded naman akong tao saka considerate din naman ako.
BINABASA MO ANG
Prios 1: Contract with Mr. Phillips
VampireNapakadaldal na babae ni Chancey kaya kataka-taka kung bakit siya ang napiling sekretarya ni Mr. Donovan Phillips sa gitna ng napakatahimik na lugar ng Helderiet Woods. Kalat na kalat ang balitang walang tumatagal na sekretarya sa chairman ng Prios...