22. The House Owner

5.3K 377 33
                                    


Ang tagal nang kakilala ni Mama si Johnny pero hindi ko talaga lubos akalaing may alam pala siya tungkol sa mga nakatira sa loob ng Helderiet Woods. Bumalik tuloy ako sa Cabin na maraming dala.

At sa dinami-rami ng magpapalayas sa akin, si Johnny pa talaga. Alam ko namang kailangan kong bumalik bago mag-sunset kasi magluluto pa ako ng dinner ni Mr. Phillips, pero grabe naman sa pagmamadali.

Natatakot tuloy ako sa lahat ng sinabi niya.

Babalik na lang ako bukas para magtanong kasi talagang wala akong idea sa nangyayari. Hindi naman namimigay ng gamit si Johnny kahit kay Mama, pero binigyan niya ako pamprotekta sa sarili ko.

Kung hindi ako puwedeng magtagal sa labas kasi hahanapin ako ng mga tagarito sa loob, e saan na ako pupunta? Six months lang yung contract ko kay Mr. Phillips! Maghahanap pa ako ng bagong apartment! Hala siya!

Clouded talaga ang utak ko ng tanong habang nagluluto ako. Kung hindi pa umusok nang bongga yung steak, hindi ko malalamang lampas na sa three minutes yung pagluluto ko. Lutang na lutang masyado.

Napaluto tuloy ako ng panibago. Sasabihin ko na lang kay Mr. Phillips, ibawas na lang sa suweldo ko.

"Chancey."

"Mr. Phillips!" Napaatras agad ako paglabas ko ng kusina. "Hala, hindi pa ako nakakapaghanda, wait lang!"

Nagmadali agad ako sa paglapag ng plato sa dulo ng mesa na puwesto niya.

"Mr. Phillips, na-overcook yung nauna kong naluto, sorry talaga. Ibawas mo na lang sa sahod ko, ha?" paliwanag ko agad. Tumalikod na ako para bumalik sa kusina. Wala pa akong dalawang inumin niya. Plato saka kubyertos lang ang nadala ko.

Ano ba naman 'yan? Maaga ba siyang bumaba o talagang lutang lang ako dahil sa mga nangyari nitong umaga?

Kumuha agad ako ng Red Water saka water goblet. Lalabas na sana ako ng kusina kaso nakalimutan kong buksan yung carton kaya bumalik na naman ako sa kitchen counter para gupitin yung isang dulo.

Ay, talaga. Pinapagod ko lang ang sarili ko sa katangahan ko.

'Mr. Phillips, sorry, late akong nakapag-prepare. Di na mauulit, promise." Mabilis kong inayos yung puwesto niya at nginitian siya nang pakiramdam ko, okay na yung paghahanda ko.

Nang mapahinto lang ako nakaramdam ng pagkahingal habang nakatingin sa kanya. At himalang naka-vintage top na naman siya. Marunong din pala siyang magdamit. Nakatayo lang siya sa likuran ng upuan ng kabisera habang nakatingin sa akin. Yung tingin niya, walang ibang sinasabi kundi parang naaawa siya sa akin. Para siyang malungkot na ewan.

"Mr. Phillips, may nangyari po ba?"

"Serena called a few minutes ago."

Napahugot agad ako ng hininga at bumalik na naman yung kabog ng dibdib kong OA masyado sa pagtibok.

Si Mrs. Serena. Sabi niya, kakausapin niya si Mr. Phillips kasi ayaw niya raw ako rito sa Cabin. Akala ko, nag-jo-joke lang siya. Totoo pala.

"Please sit down."

Nauna na siyang maupo. Saglit akong yumuko at umupo na rin sa palagi kong puwesto. Mukhang hindi siya manti-trip ngayon, ang baba na naman ng mababa na niyang boses.

Lalo lang akong nate-tense kasi parang nag-iisip pa siya ng sasabihin niya. Napapahimas tuloy ako ng palad sa ilalim ng mesa.

Ilang saglit pa, ang lalim ng buntonghininga niya saka ako tiningnan nang diretso sa mga mata.

"I just knew Fabian Revamonte because of the painting of Marius," panimula niya.

Pakiramdam ko, tungkol na naman ito sa mga magulang ko. Wala namang kakaiba sa mga magulang ko. Violinist lang si Mama, painter naman si Papa. Hindi naman sila masasamang tao.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon