Parang mabibigat na bagay ang yabag ng paa ni Mr. Phillips papalapit sa kaliwa ko mula sa direksiyon ng hagdan. Napahigpit ang pagkakakapit ko sa handle ng floor mop habang pinandidilatan na naman siya ng mata.
"What are you doing?"
Mukha siyang horror monster na ayoko na lang panoorin habang papalapit sa akin.
"Chancey, tumakbo ka na!" Iyan ang paulit-ulit na sinisigaw ng utak ko pero nag-stay lang ako sa kinatatayuan ko habang inaabangan siyang makalapit.
"A-A-Ako po?" Napatingala na lang ako pagtapat niya sa harapan ko. Saglit ko lang nahagip ng tingin ang gintong mata niya.
Wala siyang sinabi, lumingon lang siya sa nakabukas na kuwartong puro dugo sa loob. Ilang segundo pa, ibinalik niya ang tingin sa akin at doon na nagtagal ang pagtitig niya sa mga mata ko.
Dub.
Dub.
Dub.
Paulit-ulit iyong tumutunog sa buong sistema ko. Hindi na ako halos makahinga nang maayos sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko na hanggang ulo ko na ang kabog dahil sa kaba. Para akong binuhusan ng kumukulong tubig sa ulo sa sobrang init ng mukha ko. Pakiramdam ko, lalamunin niya ako nang buo, mukha kasi siyang galit.
Lalo pa niyang ibinaba ang tingin niya hanggang sa hawak ko.
"N-Naglilinis po ako . . ." mabilis kong katwiran bago pa siya magtanong kung ano'ng ginagawa ko.
Hindi naman masamang maglinis. Hindi nga nakakaakyat sina Mrs. Serena sa third floor para maglinis. Saka ang kalat kasi ng dugo. Pagagalitan ba niya ako kung lilinisin ko yung hallway na marumi?
"Where?"
Natatakot talaga ako sa baba ng boses niya, lalo na hindi naman maliwanag sa hallway ng third floor. Wala akong ibang liwanag kundi yung ilaw na galing sa kuwarto ko.
Nag-iwas na lang ako ng tingin kaya nagbaba ako ng paningin. Ang kaso, kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng masasayaran ng tingin, lalo ko lang pinandilatan ang dibdib niyang kaharap lang ng mukha ko.
Hindi ba siya marunong magsuot ng damit?! Grabe naman!
"Chancey."
"Sir! Mr. Phillips!" Napatindig agad ako nang maayos at ibinalik ang pagtingala sa kanya. Hindi ko na yata gustong mag-jogging. Sobra-sobra nang cardio yung gawa ng presensya ni Mr. Phillips para pahingalin ako.
"Saan ka naglilinis?"
"D-Doon po." Napalunok ako habang tinuturo ang pinto sa likuran niya.
Nakipagtitigan pa siya sa akin.
Para na naman siyang may sinasabi na hindi ko naman maintindihan.
Tatanungin na naman ba niya ako kung may naririnig ba akong hindi ko naman naririnig?
"Go on."
Biglang kumunot ang noo ko. Ano'ng "Go on"? Go on na maglilinis?
Itinuro ko ang pinto sa likuran niya. Tumango naman siya at gumilid saka nagkrus ng mga braso.
"I'll watch you."
"Po?"
Itinuro lang niya ng ulo ang pinto para papasukin ako roon.
"O-Okay po." Paulit-ulit akong nag-bow nang matipid bago ako pumasok sa duguang kuwarto buhat-buhat yung baldeng nangungulay red na ang tubig. Pasulyap-sulyap pa ako sa kanya habang sinusundan ang kilos ko.
BINABASA MO ANG
Prios 1: Contract with Mr. Phillips
VampireNapakadaldal na babae ni Chancey kaya kataka-taka kung bakit siya ang napiling sekretarya ni Mr. Donovan Phillips sa gitna ng napakatahimik na lugar ng Helderiet Woods. Kalat na kalat ang balitang walang tumatagal na sekretarya sa chairman ng Prios...