19. The Widower

5.5K 401 34
                                    


Ito si Mr. Phillips, feeling ko, hindi pa nakakakita ng tao talaga e. Ginagawa akong laruan.

Apat na araw pa lang akong sekretarya niya. Apat na araw! Okay, sige, nakatira kaming dalawa sa iisang bahay, ako ang nagluluto ng pagkain niya, ilang beses ko rin siyang inasikaso dahil basag-ulo siya tuwing gabi, pero grabe naman siyang maging feeling close.

Tanggap ko nang bampira siya. At sobrang bait na niya para sa isang bampira kahit binato niya ako ng punyal noong Friday. Pero grabe kasi talaga!

Una, iniinom niya ang dugo ko kapag nauuhaw siya at hindi siya makababa sa kusina. Kahit din naman ako, hindi bababa e may kumakalampag sa katapat na pintuan. Sige, tanggapin na nating parte na ng trabaho kong painumin siya kapag nauuhaw siya. Saka hindi naman niya ako ginigripuhan na ikamamatay ko. Sakto lang para masabi kong kailangan kong bumili ng iodine at gasa panggamot sa sugat.

Pangalawa, sige, tatanggapin ko na rin ang katotohanang pinatulan ko siya noong hinalikan niya ako sa sasakyan kaninang pag-uwi. Ano'ng magagawa ko? Mas komportable ako sa nangyari. Nagpapasalamat talaga akong ang lakas ng preno ni Lance kasi hindi ko talaga alam kung paano ko siya haharapin kung naabutan niya kami ni Mr. Phillips na naghahalikan sa backseat. Ang creepy isipin, kinikilabutan ako!

At higit sa lahat, itong panti-trip ni Mr. Phillips sa akin ngayong gabi. Okay, sige, hindi ako nanlaban kanina noong nasa sasakyan at pinaupo pala niya ako sa hita niya. E itong habang kumakain siya, ibang usapan naman na! May kaharutan din sa katawan e.

At dahil ako ang nauna sa kuwarto niya, ginawa ko na lang ang lagi niyang inuutos sa akin. I-fix daw ang table niya.

Napansin ko agad na tambak yung mga folder sa mesa na wala naman kagabi. Malamang na si Eul ang nagdala ng mga folder. Hindi ako sigurado kung sino ang nagpasok nito rito sa loob ng kuwarto. Kung si Eul, ibig sabihin, puwede siyang pumasok. Kung hindi man, baka yung Morticia.

Ibinaba ko ang ibang folder at kumuha ng sampu saka nag-ayos ng clipboard para sa organizers.

"Puwede ko namang gawin 'to sa kuwarto ko e," bulong ko sa inaayos kong mga papel.

Hindi pala basta-basta makakalabas si Mr. Phillips para mag-opisina sa company. Kailangan pa niyang magtawag ng magbabantay rito sa Cabin. Yung Morticia, bigla-biglang naging usok. Kaya rin kaya ni Mr. Phillips maging gano'n?

And speaking of the vampire, bumukas ang pinto ng kuwarto niya at may tangay-tangay na siyang isang carton ng Red Water. Ang talim ng tingin ko sa kanya habang sinusundan siya ng titig. Hindi naman niya ako tiningnan, para ngang wala ako sa loob. Inilapag lang niya yung carton sa night stand at ibinagsak niya ang sarili sa kama niyang kulay itim.

Masyadong malaki yung kuwarto niya, halos isang apartment unit ko na ang lawak ng pagitan naming dalawa. Ako, sa office table; siya, sa kama niya.

Ayokong mag-usisa, baka mangulit na naman at mapag-trip-an ako. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-o-organize ng mga folder.

Ang sabi ni Mr. Phillips, 127 years old na siya. At mag-isa lang siya. Wala ba siyang asawa? Nagtataka lang ako kasi mag-isa lang siya rito sa Cabin e. Hindi ba siya nalulungkot? Ako ngang kasama siya rito, naiinip pa rin e.

Tinapos ko yung unang batch ng folders na kailangang i-review. Natural na babasahin ko muna bago siya at iyon ang ilalagay ko sa organizer. Ang tahimik naming dalawa at inaantok ako sa katahimikan. Ayoko rin naman siyang kausapin kasi baka mang-intriga na naman, kaya kumanta na lang ako nang mahina.

"When the night has come, and the land is dark . . . And the moon is the only light we'll see."

Pagkatapos pala nito, kailangan kong mag-alarm ng 5 a.m. Ipagluluto ko pala ng breakfast si Mr. Phillips. Sayang din yung overtime pay.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon