Aminado naman akong never akong na-pursue ng kahit sinong lalaki kaya no boyfriend since birth ako. Siyempre, lumaki ako sa Lone Town. Sobrang layo ng mga bahay roon sa bahay namin. May mga nagustuhan din naman akong kapitbahay na hindi naman talaga kapitbahay kasi nga ang layo nila. Yung ibang mga taga-town na nakakasalubong ko minsan. Iyon lang, feeling ko talaga, sobrang pangit kong tao kasi iniiwasan nila ako.
Natatandaan ko pa noong nag-confess ako kay Victor na sobrang guwapo—siya ang pinakaguwapo sa buong block noong ten years old ako—kaso tinawag niya akong mangkukulam 'tapos binato ako ng barkada niya ng bato. Umuwi akong dumudugo ang ulo pagkatapos n'on.
Sabi ko, okay lang. Masakit pero okay lang naman. Hindi ko na kasi siya nakita pagkatapos n'on. Ewan ko kung lumipat ba ng bahay o nangibang-bayan. Ayoko rin naman na siyang makita ulit kasi nga napahiya ako dahil sa kanya kaya hindi ko na siya hinanap pa.
Nag-aral ako sa all-girls school. Mula primary school, high school, hanggang college. Mas mahigpit sa college kasi nasa dorm kami. Kami-kami lang ng mga kaklase ko ang nagkikitaan e puro pa kami babae.
May mga nagugustuhan sila sa kabilang dorm na puro naman mga lalaki. Kahit din naman ako, may nagustuhan din, pero kahit sino sa kanila, walang lumapit sa akin.
Naiintindihan ko naman na kung pangit talaga ako, pangit talaga ako. Tanggap ko naman. Hindi naman ako nagrereklamo, medyo lang.
Pagka-graduate ko ng college, may nakilala naman ako sa city library na lalaking palaging nanghihiram doon ng libro—si Simon. Nakakapag-usap kami, sobrang dalas pa. Sobrang saya niyang kasama. Isinama ko siya minsan sa bahay para ipakilala kina mama bilang kaibigan, siyempre. Naghahanda lang ako ng inumin 'tapos pagbalik ko, sabi ni Mama, may emergency raw si Simon kaya umalis na siya agad. Pero nakapag-usap naman daw sila habang naghahanda ako ng meryenda sana namin. Pagkatapos n'on, hindi ko na ulit nakita si Simon. Kung saan man siya napunta, kung nangibang-bayan o ano, hindi ko na alam. Wala akong mapagtanungan tungkol sa kanya kasi wala na rin ang pamilya niya sa town.
Noong napalayas kami sa bahay namin sa Lone Town, na-culture shock ako sa city. Ang gulo. Sobrang gulo, saka ang daming nakakatakot na tao. Tahimik kasi sa Lone Town buong araw. Pero sa city, grabe, buong araw maingay. Parang hindi nakaka-experience ng gabi ang mga tao, buong araw gising.
First time kong tumira sa apartment sa Upland. Nakatira kami roon ng pamilya ko pero hindi amin ang bahay. Nagtataka ako kung paano kami magbabayad ng bahay na hindi naman sa amin mapupunta pagkatapos.
Matanda na ang parents ko. Triple na nga ng edad ko. Pero noong nasa Lone Town pa kami, hindi halata ang edad nila. 44 na nga si Mama noong tumugtog siya sa town declaration, pero palagi siyang napupuri kasi mukha lang daw siyang 20. At paborito siya ng may-ari ng Grand Cabin. Kahit noong 21 ako, mukha lang siyang kapatid ko kahit 65 na siya. Pero noong nakaalis kami sa Lone Town, doon ko lang talaga naramdaman na matanda na nga talaga sila ni Papa. Isang taon lang, sobrang bilis kumulubot ang balat nilang dalawa. Sabi naman ni Mama, ganoon talaga kapag tumatanda. Nagbigay pa siya ng example, so naniwala naman ako. Ang mga nakakausap ko ngang 50 years old sa hotel, mukha nang ibuburol e.
BINABASA MO ANG
Prios 1: Contract with Mr. Phillips
VampireNapakadaldal na babae ni Chancey kaya kataka-taka kung bakit siya ang napiling sekretarya ni Mr. Donovan Phillips sa gitna ng napakatahimik na lugar ng Helderiet Woods. Kalat na kalat ang balitang walang tumatagal na sekretarya sa chairman ng Prios...