Sinabi ko na kay Mr. Phillips na kung gusto niyang matulog, dumoon na siya sa kuwarto niya. Ang lakas talaga ng kutob kong may sakit siya e. Ang tamlay niya. Bibiruin ko sanang ang putla na kasi niya, e matagal naman na siyang maputla.
Dahil trabaho ko pa rin naman ang maging sekretarya niya, kailangan ko pa ring magbihis nang matino-tino. Ang weird naman kasi na nagtatrabaho ako ng secretarial duties 'tapos mukha lang akong bagong gising. Saka sayang din kasi ang mga biniling damit ni Mr. Phillips kung hindi ko gagamitin.
Ang mahal ng detergent soap, ayokong magtatlo-tatlong patong ng damit dahil magastos bumili ng sabon. Isang hapunan ko na rin iyon. Kaya nga pinili ko na lang yung mukha namang pormal pero mabilis labhan; yung fit na puting de-butones na sleeveless blouse 'tapos nag-tuck in na lang ako sa mini skirt na navy blue. Mas kaunting tela, mas tipid sa labahin, mas tipid sa sabon. Wala pa akong suweldo. Kailangan ko pang mabuhay sa remaining allowance ko.
"Mr. Phillips, nandito na po ako."
Nakaupo lang siya sa executive chair at dayukdok doon sa mesa. Hindi siya kumilos kahit nagpasabi na akong narito na ako sa kuwarto niya.
Feeling ko talaga, may sakit itong bampirang ito e. Nakakain ba ito ng bawang? Baka dinasalan ito ni Mrs. Serena kaya sumamâ ang pakiramdam. Sabi na, mangkukulam talaga ang mayordomang iyon e.
"Mr. Phillips, ayos ka lang?" Lumapit na agad ako sa kanya at hinawakan siya sa ulo habang nakayuko ako para silipin siya.
Bumangon na siya mula sa pagkakayuko sa mesa at namumungay ang mata nang tingnan ako pagkasandal niya sa upuan.
"Puyat ka ba o may sakit ka lang?" usisa ko kasi hindi talaga siya mukhang maayos. "Gusto mo bang dalhan kita ng—ay, palaka ka!"
"Stay here."
Hahampasin ko na sana siya pero natigilan ako. Humugot na naman ako ng malalim na hininga nang kandungin na naman niya ako, pero nakayakap siya sa likuran ko gaya ng ayos namin kanina sa kusina. Naramdaman ko na naman ang bigat galing sa kanya kahit ako ang buhat-buhat niya.
"Can you do your paper work right now?" bulong niya sa kanang gilid ko. Bahagya akong lumingon at nakitang nakasubsob ang mukha niya sa kanang balikat ko.
Ang bigat ng paghinga niya, pero hindi naman mainit. Hindi siya mainit. Hindi rin malamig.
Gusto ko sanang isipin ang posisyon naming dalawa dahil nakakandong na naman ako sa kanya, pero mas concerned talaga ako na para talaga siyang may dinadala ngayong hindi niya mailabas.
"Masama ba'ng pakiramdam mo, Mr. Phillips?" tanong ko na lang habang tinatapik nang marahan ang braso niyang nakayakap na naman sa bandang ilalim ng dibdib ko.
"Mmm."
"Gusto mo ba ng gamot? Ano'ng gamot ang kailangan mo?"
Umiling lang siya nang marahan.
"Mr. Phillips, huwag kang lalabas mamaya nang ganito ka, ha? Baka katawan mo na ang kinakain ng mga red fox sa grassland bukas nang umaga, bahala ka diyan. Hindi ko hahatakin ang katawan mo papuntang kakahuyan."
"I'll be fine, don't worry. I just want a hug."
Ako naman ang nagbuntonghininga. Nahahawa ako sa gloomy mood niya. Parang pasan niya ang buong universe. Naiilang tuloy ako. Kung alam ko lang na bigla siyang magdadrama nang ganito, sana nag-slacks na lang ako. Naka-mini skirt pa naman ako, e halos makita na ang buong hita ko habang nakaupo.
"Mag-behave ka lang diyan, Mr. Phillips, ha? Kapag ikaw, may ginawang kalokohan, hahampasin talaga kita ng folder."
Tumawa lang siya nang mahina kaya dama ng buong katawan ko ang vibration sa likuran ko gawa niya.
BINABASA MO ANG
Prios 1: Contract with Mr. Phillips
VampireNapakadaldal na babae ni Chancey kaya kataka-taka kung bakit siya ang napiling sekretarya ni Mr. Donovan Phillips sa gitna ng napakatahimik na lugar ng Helderiet Woods. Kalat na kalat ang balitang walang tumatagal na sekretarya sa chairman ng Prios...