AaronxShyla 1

77 4 0
                                    

This story is a fanfiction.

I'm Shyla with the y, not with the a&i.
Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron na pala! Ahehe ... mamaya ipapakilala ko sa inyo' I am rich ... no I take it back, my parents are rich, and I am just hella gorgeous.

My motto in life: What Shyla wants, Shyla gets.

Yung boyfriend ko nga pala mahal na mahal namin ang isa't isa. Siya si Aaron Maximo San Agustin. Ayiieee kilig ako! Mabanggit palang ang pangalan ng mahal ko lahat ng kasuluk sulukan ng katawan ko nangingisay. Hihihi.

***

Chapter One

"Hello babe!"

*Toot*

*Toot*

*Toot*

Grabeee mahal na mahal niya talaga ako. Sa sobrang pagmamahal niya sakin boses ko palang kuntento na siya.

'Ohmyghad!'

Dinayal kong muli ang numero ng telepono niya.

"Hello this is Jollibee delivery. We will deliver Shyla Marie Tan to your home. Kiss ang bayad."

Buntong-hininga ang nadinig ko.

'Sana hininga niya nalang ako para lagi kaming magkasama!'

"Shyla please stop bothering me."

"Oh you want us both. Okay babe! Malapit na ako sa bahay ninyo. See you hella soon! I love you. Muah!Muah!Tsup!Tsup!" Ako na mismo ang nagpatay ng tawag para mamiss niya ulit ang boses ko.

Actually, nakipaghiwalay siya sakin after maaksidente ng kapatid niya. Gusto niya mag-focus sa nanay niya at pag-aaral. Hindi ko naman siya masisi dahil ang ate niya ang nagtataguyod sa kanila.

Lumiko ako sa kanan para pumarada sa harap ng kapitbahay nila. Nagluluksa pa ang mga ito sa pagkawala ni Astrid, kahit naman ang buong barkada ganon din. Mas lalo na siguro ang pamilya at asawa ng kapatid nito.

Inayos ko muna ang buhok ko. Naglagay din ako ng lipbalm para hindi naman niyang sabihing dry ang labi ko. Nagwisik din ako ng kaunting pabango.

Naglakad ako papunta sa gate nila sa sobrang baba pwede mo ng lundagin. Luma na ang bahay ng mga ito pero malinis sa loob niyon at maaliwalas. Mabango rin dahil alagang zonrox. Chos!Binuksan ko ang gate ng bahay nila.

'Mahihiya ang akyat bahay gang sa kanila!'

"Babeeeee yuhoooo ... here comes your one and only bebe." malakas na tawag ko sa kanya.

Pagpasok sa loob ng bahay agad kong nabungaran si nanay Alicia, bagama't mapapansin ang kalungkutan sa mukha nito nagawa pa rin niyang ngumiti sakin.

'Ang tapang niya.'

Nahahabag ako kapag nakakasalamuha ako ng mga taong kinakayang huwag umiyak kahit gusto na nilang umiyak.

'Ako nalang ang iiyak para sa kanila bukas pag-uwi ko ng Batangas.'

Nagmano ako sa ginang bilang paggalang sa kanya.

"Shyla anak naparito ka?"

'Yes anak! Lumelevel up tayo!'

"Dinadalaw ko po kayo nay."

Alangan sabihin kong gusto kong gahasain ang anak niyang lalaki. Gahasain ng matinding pagmamahal.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon