PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

94 5 0
                                    

CHAPTER 2

GUN'S POV

'the number you have dialed is either unattended or out of coverage are'

"Sige tawag pa. Hayaan mo na kasi yung Off na yun. Namrumrublema ka sa kanya, eh hindi nga matawagan. Kumain ka na at ihahatid na kita sa school. Mamaya pa pasok ko" wika sa akin ni kuya Tay. Kanina pa kasi s'ya nakahain ng umagahan namin pero hindi ko pa rim ginagalaw iyon dahil kanina ko pa tinatawagan ang Off na yun! Pinaalalahanan pa ako pero di naman sumasagot ngayon?! Ano kaya yun?! Baka ako pa masisi kapag hindi ko s'ya ginising?! Hay! Kainis naman itong 'to! Aga-aga, binabadtrip ako! Buti nalang mabait ako, kundi pagmumurahin ko s'ya sa text.

Inilapag ko na ang aking phone para makakain na ng umagahan. Kailangan ko na rin kasing pumasok. Ayoko malate no! First day ko pa naman ngayon! Magrereserve nalang ako ng upuan n'ya kung sakaling malate s'ya.

"Opo, heto na kakain na po" dismayadong sagot ko kay kuya. Wala tuloy akong ganang kumain dahil sa inaalala ko ang sinabi ni Off. Di naman ako natatakot sa kanya kung sakaling pagtripan na naman ako.

"Wag mo na kasi s'yang isipin. Kakikilala n'yo lang kahapon ganyan ka na kung makaconcern sa kanya. Don't tell me crush mo na si Off ha! Crush mo na ang dalawang magkapatid!" Sabi ni kuya sa akin habang kumakain ako kaya naubo ako. May mga kanin namang lumabas mula sa bibig ko dahil sa pag-ubo ko. Uminom muna ako ng tubig para mawalan ng pagkain ang bibig ko.

"Kuya! Di naman magandang biro yan! Di ko crush si Off no! Si kuya Oab lang crush ko! I'm just doing what Off said!" Pagdepensa ko sa sarili ko kay kuya Tay.

"Relax! I'm just kidding, okay! Masyado ko namang defensive. Pero bakit nga, nakabusangot ka pa d'yan? Di lang sinasagot ni Off tawag mo, di na maipinta mukha mo. One call is enough kung wala lang sa'yo yun. As long as you did your task, then you need to worry about it. Si Off lang yun ano ka ba?! Lagot sa akin yun kapag ikaw ang pinagtripan!" Sabi sa akin ni kuya. Sumubo muna ako at inubos ang nasa bibig ko bago ako sumagot sa kanya.

"Di naman yun kuya eh. Kasi nga makulit s'ya. Kukulitin na naman ako" sagot ko kay kuya.

"Edi isumbong mo sa akin kung kukulitin ka!" Sabi naman sa akin ni kuya.

"Wag na, di naman nakakababa ng dignidad ko yun. Hayaan mo nalang akong ihandle ang lahat ng ito" sagot ko kay kuya.

"Okayyy fine, finish your food para maihatid na kita" sabi sa akin ni kuya kaya sumunod nalang ako. Nang matapos na akong kumain ay nag-ayos muna ako saglit bago ako hinatid ni kuya.

Hindi naman kalayuan ang school kaya mabilis kaming nakarating. Nasa gate na kami ng huminto ang sasakyan.

"Goodluck Gun! Kaya mo yan. Enjoy your new school" nakangiting wika sa akin ni kuya kaya nginitian ko rin s'ya.

"Yes kuya. Thank you" sagot ko naman dito.

"Sige na pumasok ka na" utos sa akin ni kuya kaya lumabas na ako ng kotse. Kumaway ako sa kanya habang umaandar paalis ang kanyang sasakyan. Nang tuluyan ng nakaalis si kuya ay nagtungo ako sa harap ng stage at pinagmasdan ito. Napapangiti ako dahil sa excitement kong mag-aral sa school na ito.

"New life, new school! Fight!" Wika ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng school.

Maaga pa ay naupo muna ako sa may isang bench sa ilalim ng puno para doon tumambay. Pinapanood ko ang mga estudyanteng may sari-sariling mundo. Ang iba ay grupo at ang iba naman ay mag-isa na kagaya ko. Masaya ang mga estudyanteng nakita-kita na naman with their friends. Hay! Kamusta na kaya ang mga classmates ko? Nakakalungkot isipin dahil hindi ko na sila kasama ngayon. Sana may kaklase akong maligaw rito para naman di ako manibago.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon