PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

68 3 0
                                    

CHAPTER 7

GUN'S POV

"Papii, what are you doing?" Tanong ko sa kanya. Katatapos ko lang maligo kaya dumiretso na ako dito sa sala dahil nandito s'ya. Busing-busy sa kanyang phone. Umupo ako sa tabi n'ya para makita kung ano ang kanyang ginagawa.

"I'm playing ML mamii" sagot neto pero tutok na tutok pa rin s'ya sa kanyang ginagawa. Tinakpan ko tuloy ito para makuha ko ang attention n'ya pero agad na iwinaksi ang aking kamay.

"Mamii naman eh! Naglalaro ako oh!" Reklamo n'ya sa akin kaya sumimangot ako.

"Pumunta ka lang ba dito para maglaro?! Ni hindi ka nalang sana nagpunta dito" pagsusungit ko sa kanya. Pero pinisil n'ya lang ang pisngi ko.

"Ummm, tampo na kaagad ang mamii ko. Hug mo nalang ako habang naglalaro ako. Okay ba yun?" Paglalambing neto kaya patago akong napapangiti sa kinauupuan ko. Niyakap ko s'ya at pinanood nalang ang kanyang ginagawa.

"Very good mamii" sabi nito sa akin sabay halik sa noo ko. Nang biglang binato ni kuya Tay si Off ng unan.

"Ano yan?! Bakit ka humahalik ha?!" Galit na sigaw ni kuya Kay Off. Napangisi lang tuloy si Off.

"Sorry po kuya!" Tumatawang sabi n'ya sabay nagpeacesign.

"Ikaw Off hah! Sumusobra ka na!" Sigaw muli ni kuya sa kanya.

"Sorry na nga kuya" sagot ni Off.

"Mga anak, aalis na si mama at papa!" Pasigaw na sabi ni mama. Pero ako ay tutok pa rin sa ginagawa ni Off.

"Bye ma!" Ang tangi ko nalang na nasabi nang hindi s'ya nililingon.

"Awww! Wala bang kiss si mama? Si kuya nagkiss na sa akin" wika ni mama kaya ako ang pinaparinggan nito. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Papaanong ikikiss ka n'yan mama eh, makayakap kay Off wagas!" Biro ni kuya sa akin. Kaya tinignan ko nalang s'ya ng masama. Tumayo ako para ikiss si mama at sinalubong ko na rin si papa na papalapit sa amin para ikiss ito. Bumalik ako kay papii at niyakap ito. Umalis naman na sina papa at mama para pumasok sa work.

Tit! Tit! Tit!

Tunog ng phone ni kuya. Umayo ito ng upo bago nagsalita.

"Time's up! Off, usapan natin" sabi ni kuya kay Off pero si Off ay patuloy pa rin sa paglalaro.

"30 minutes more please!" Hirit ni Off. Napatingin naman ako sa dalawa dahil hindi ko alam ang usapan nila.

"Off, wag mo kong subukan! Pinagbigyan kita sa gusto mo at ngayon dapat ako naman ang sundin mo. I gave enough time para makasama kapatid ko kaya dapat sundin mo yun kung gusto mo pang makaulit" sabi naman ni kuya Tay. Pinatay ni Off ang kanyang phone at tinignan ako.

"Mamii, it's time for me to go home. 8am kasi dapat uuwi na ako. Yun kasi usapan namin ni kuya Tay eh" sabi sa akin ni Off kaya nalungkot ako.

"Wag ka muna umalis please" nakabusangot kong sabi sa kanya sabay higpit ng yakap ko sa kanya.

"Hindi pwede, ang usapan ay usapan" sagot sa akin ni kuya Tay.

"Kuya please! Dito muna s'ya!" Pakiusap ko sa kanya. Pero nginiwian lang n'ya ako bilang pagsasabing firm na ang kanyang desisyon.

"Papii! Please pilitin mo si kuya! Mamaya ka na umuwi!" Pagta tantrums ko.

"Mamii, usapan kasi eh. Kelangan kong sumunod. Buti nga pinagbigyan ako ni kuya Tay na bumisita rito eh. Bukas nalang tayo magkita okay? Sige, ganito nalang sa bahay ka nalang matulog bukas para malaro mo si baby Sam-sam. Pakikiuspan ko nalang si kuya Tay na sa bahay ka na matulog" sagot sa akin ni Off kaya tinignan ko s'ya ng masama. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon