PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

56 3 0
                                    

CHAPTER 19

OAB'S POV

Naiuwi ko na si Plan sa aming bahay. Hindi s'ya tumitigil sa kakaiyak dahil sa nangyari sa kanya. Pinapasok ko muna sa kwarto ko para makapagpahinga na s'ya. He's still stranger for me but because of giving his all personal information na totoong tao nga s'ya, i mean wala s'yang balak na masama. Sadyang nasasaktan lang s'ya ng lubos kaya s'ya nagkakaganyan.

Hindi na ako nakapasok sa school. Buti nalang hindi natuloy ang long quiz namin kaya ligtas ako. Hindi ko naman kasi maiwan itong lalaking ito. Naaawa ako eh. May something na kahit kakikilala ko palang sa kanya ay gusto ko s'yang icomfort. Or sadyang parehas kaming broken ngayon kaya magaan sa loob ko ang icomfort s'ya.

"Anak, sino yang bisita mo? Ngayon ko lang s'ya nakilala ha" tanong sa akin ni mama. Kinuha ko naman si Sam na karga n'ya.

"He's Plan my new friend. Matindi ang pinagdadaanan n'ya ngayon kaya dinala ko muna sa bahay natin. Saka muntik ko s'yang masagasaan kanina, kaya yun na rin ang ganti ko for him" sagot ko kay mama.

"New friend? Ngayon mo lang nakilala? Anak, nagtitiwala ka kaagad sa kakikilala mo lang na tao? Baka naman may ibang balak yan?" Pangamba ni mama sa bisita ko. Nginitian ko lang tuloy si mama.

"Ma, here are his perfonal information. Kung gusto n'ya ibackgroud check n'yo s'ya okay lang. He gave me that para magtiwala ako sa kanya. And as far as i know, nagsasabi s'ya ng totoo" sagot ko kay mama aabay abot ng wallet ni Plan.

"Excuse me ma'am, Oab. I think, i need to go na. Ka-kasi, hindi ko masisisi si ma'am na magkaroon s'ya ng pangamba sa akin dahil nga sa di mo pa ako kilala. Sige po, mauna na po ako" biglang singit ni Plan na lumabas pala! Hay!

"No need, stay in my room okay?!" Sagot ko sa kanya.

"Pe-pero--"

"Plan, sige na okay na. Naniniwala na akong wala kang masamang balak. Halika muna, Oab, pakainin mo muna yang bisita mo ha" sumunod kayo sa akin. Singit ni mama. Di na kapagsalita si Plan at sumunod nalang kami kay mama papuntang kusina. Naghain s'ya ng makakain ni Plan.

Nang maibigay ni mama ang pagkain para kay Plan ay agad namang pinatos ito ni Plan. Mabilis, halatang gustom na gutom ito.

"Nak, dahan-dahan lang. Baka mabulunan ka" awat ni mama kay Plan.

"Sorry po, gustom na gutom na po kasi ako. Kagabi pa po kasi ako nagugutom. Nung umalis po ako sa condo ng ex ko hindi pa po ako kumakain hanggang ngayon" sagot ni Plan kay mama.

"Ano ba kasing nangyari sayo anak?" Tanong ni mama.

"Ma, please wag mo munang ipaalala sa kanya ang nangyari" awat ko kay mama. Dahil alam kong yun na naman ang magiging sanhi ng pag-iyak ni Plan.

"Okay, ganito nalang. Kung umalis ka sa condo ng ex mo, bakit di ka bumalik sa parents mo?" Tanong ni mama.

"Ummm, tinakwil na po ako ng parents ko dahil sa nalaman nila ang gender ko. Nung nalaman po nila na gay ako at may boyfriend, pinalayas na po ako" sagot ni Plan kay mama.

"Ganun ba? Kawawa ka namang bata ka. So nag-aaral ka pa ba?" Tanong muli ni mama kay Plan.

"Yes po, 2nd year college na po ako. Working student po ako. Ako na po bumubuhay sa sarili ko. May tulong naman po ang boyfriend ko. Pero nakuha pa po n'ya akong lokohin. I saw him having sex with other guy. Masakit po para sa akin yun, ka-kasi po, pinaglaban ko po s'ya sa parents ko pero sasaktan lang din pala ako. Di ko na po alam ang gagawin ko! Di ko na po alam kung saan ako titira. Di ko na po alam kung makakapagpatuloy pa ako sa pag-aaral ko" bumuhos na naman ang iyak ni Plan ng maalala n'ya ang masasakit na pangyayari sa kanya.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon