PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

54 2 0
                                    

CHAPTER 21

GUN'S POV

"Sorry na nga sorry! Sorry! Please Off, patawarin mo na ako. Ginagawa ko lang to dahil iyon ang makakabuti para sa ating dalawa" sabi ko sa kanya. Tumawa lang ito at uminom ulit ng alak. Magtatangka sana itong maglalakad ay bigla itong naout balance buti nalang ay malapit ako sa kanya kaya nasalo ko ito. Mahirap mang buhatin ang lasing na ito lalo na't malaki s'ya sa akin ay kinaya ko.

"Papii? Ano? Okay ka lang ba? Yan kasi eh! Nagpapakalasing di naman pala kaya! Minsan iasi wag ka na mag-iinom ng sobra!" Kahit di n'ya naman masaisip ang sinasabi ko ay sinermonan ko pa rin s'ya.

"Umayos ka!" Utos ko sa kanya. Ipinaakbay ko s'ya sa akin para maipasok ko s'ya sa kwarto s'ya. Kahit mahirap ay kailangan kong maipunta sa kwarto n'ya para makatulog na ito ng maayos. Lasing na lasing pa man din.

Bakit ba kasi kailangan pang mag-inom ng alak!? Nakakaperwisyo lang naman yan?! At sabi ko na ngang wag mag-iinom ng sobra dahil minsan na s'yang naaksidente tapos ngayon, nagpakalasing na naman! Buti nalang dito sa bahay nila nalasing.

"Mamii! I love youuuuu! I love you so much!!" Wika neto habang naglalakad kami papuntang kwarto n'ya. Tila nanikip ang dibdib ko sa sinabi n'ya. He really loves me. And this is the reason kung bakit s'ya nagkakaganito. Pero hindi ko talaga kasi alam kung kaya ko pang magpatali muli sa puso n'ya. Takot akong masaktan muli. Di ko kakayanin kung maulit pa iyon.

Sa bawat pag-ulit ni Off ng mga salitang iyon ay paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko. Nakakaramdam ako ng sakit dahil we are both suffering dahil sa pag-ibig. But buo na talaga ang desisyon ko, hindi na ako bubuo ng mutual understanding with Off.

Sa kabila ng paghihirap kong alalayan si Off ay finally naihatid ko na s'ya sa kanyang kwarto. Ipinahiga ko s'ya at inayos. Nang maayos na ito ay balak ko sanang puntahan ang kuya ko para makamusta s'ya. Lasing na iyon kaya hindi na rin kami makakauwi. Pero kailangan ko na rin s'yang patigiling uminom.

Papaalis na ako ng biglang hinawakan ni Off ang aking kamay.

"Mamii! Please, don't leave me! Please! Please!" Wika ng malungkot na si Off. Sa pagkakasabi n'yang iyon ay nagsimula na itong umiyak. Naawa tuloy ako sa kanya.

Napagdesisyunan kong maupo sa kama n'ya para patahanin ito sa pag-iyak.

"Mamii, please. I love you so much! Please don't leave me" pakiusap nito. Hinaplos ko ang kanyang noo at hinalikan ito.

"Um um, di na ako aalis dito muna ako" sagot ko sa kanya.

"Hug me please! Stay here just for this night please. I wanna hug for the whole night please" pakiusap muli nito.

"Um um, sige na" sagot ko sa kanya. Kaya pumwesto na ako ng higa sa tabi n'ya. Kahihiga ko palang ay niyakap n'ya ako kaagad at sinuksok pa ang mukha sa kili-kili ko. Nababasa na tuloy ang damit ko ng luha n'ya. Pero hinayaan ko nalang.

"Hug me please!" Pakiusap muli sa akin ni Off. Kaya walang pag-alinlangan ay niyakap ko s'ya.

"Sige na, matulog ka na. Dito lang ako" sabi ko dito.

"Ayoko! Baka pagkatulog ko iwanan mo ko" sagot neto sa akin.

"Hindi, promise dito lang ako sa tabi mo. Di kits iiwan" sagot ko rito. Ano pa nga ba? Napasubo na ako eh, kaya dito muna ako hanggang bukas.

"Promise?"

"Promise"

---

OAB'S POV

Ummmmmm! Shocks! Lakas ng hang-over ko! Sakit sa ulo! Naparami ako ng inom kagabi ah. Di ko na rin alam kung bakit ako nandito ngayon sa kwarto ko at hindi ko alam kung sino ang naghatid sa akin.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon