CHAPTER 12
GUN'S POV
Kanina ko pa iniisip ang text sa akin ni Desiree. Hindi ko alam kung nambubwisit lang ba s'ya o talagang seryoso na talaga s'ya sa pagsagot kay Off.
Pero kahit na ganun na alam kong gusto ni Off si Desiree ay hindi naman ako papayag na magpapadehado ako. Lalo na't i've learned kay lolo Billy na kailangan kong maging brave sa nararamdaman ko.
"Mamii, why you're so quiet? Is there any problem?" Tanong sa akin ni Off. Nandito kami ngayon sa tabi ng pool at kumakain kasama ang dalawang matanda. Naalimpungan tuloy ako.
"Ah, wa-wala naman papii. May naalala lang ako" palusot ko sa kanya.
"Ganun ba? Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka ha" sabi naman sa akin ni Off. Tumango nalang ako para matapos na ang usapan.
"Alam n'yo ganyan na ganyan kami ng lolo Krist n'yo. We fought alot but we are still sweet to each other" sabi ni Lolo billy sa amin. Napangiti tuloy ako and at the same time, nalungkot dahil hindi naman kami couple ni Off.
"Lo, can you tell your love story with lolo krist" wika ko pero bigla akong sinipa ni sa ilalim ng mesa. May babala pala sa akin si Off. Na hindi ko ioopen ang topic na iyon.
"Gusto mong malaman? Sige, ako magkukwento" sabi ni lolo Billy at umayos ang dalawa.
---
OFF'S POV
"Himala hindi umiyak sila lolo kanina ha. Kasi everyta-" ayon! May humahagulgol na pala sa tabi ko. Yes, nasa kotse na kami dahil kailangan na naming umuwing dalawa.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
"Ka-kasi sobrang lungkot ng pinagdaanan nila lolo Krist at Billy eh. Akalain mo they survived that kind of challenges at nakabuo pa sila ng malaking pamilya! Hay! Nakakaamaze silang dalawa. Nakakaproud dahil kahit same sex relationship ang meron sa kanila ay nagawa nilang maging masaya hanggang sa kagustuhan nila. And i feel the love to each other. Makakahanap kaya ako ng taong makakasama ko habang buhay?" Sagot sa akin ni Gun.
"Ako" sagot ko sa kanya. Napatigil ito at tinitigan ako. Mukhabg nagulat na may ngiti sa kanyang mga labi.
"Hehehe, joke! Makakahanap ka rin. Pero dapat pasado sa taste ko ha!" Sabi ko sa kanya. Na nagpaiba na naman ng mukha n'ya. Malungkot at mukhang nadismaya sa sinabi ko.
"Let's go home" matamlay na aya sa akin ni Gun kaya pinaandar ko na ang kotse ko. Hinatid ko s'ya sa kanilang condo.
"Mamii, sa tingin mo may pag-asa sayo si kuya Oab?" Tanong ko sa kanya habang nasa gitna kami ng byahe.
"Ummm, i don't know. Depende bukas" sagot neto kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit bukas?" Tanong ko sa kanya.
"Basta! Dami mong tanong. Bilisan mo na dahil marami pa akong gagawin. Wag ka na mag stay sa condo dahil gusto kong matulog maghanapon okay!" Sagot sa akin ni Gun.
"Edi magkasama tayong matulog. Pwede naman yun diba?" Sagot ko sa kanya.
"Ayoko nga! Umuwi ka na. Magkikita pa naman tayo bukas" sabi nito sa akin.
"Kung ayoko munang umuwi?!" Sagot ko sa kanya.
"Sabi na ngang umuwi ka. May bahay ka naman. Saka ayokong may kasama ngayon. May gagawin ako!" Pagmamatigas neto.
"Bahala ka! Di na kita papansinin" banta ko sa kanya.
"Okay, edi wag. Basta ayoko ng kasama ngayon. Period!" Sabi neto sa akin kaya inirapan ko s'ya. Di ko s'ya mapilit ngayon ha! Pati plano naming mamasyal pa cancelled na dahil sa dahilan n'yang hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE
RomantizmSi Gun ay isang malambing, mahinhin, mabait at madaling kaibiganin. Sa isang lugar ay makikilala n'ya si Off na makulit at spoiled na lalaki. naging malapit sila dahil sa kapatid nilang sina Tay(gun's big brother) at Oab(Off'x big brother). naging s...