PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

71 5 0
                                    

CHAPTER 10

OFF'S POV

Ummmm! Sakit ng ulo ko! Grabe! Naparami inom ko kagabi. Nakakainis kasing Gun yan eh! Pina-stress ako ng sobra! Di ko tuloy matake lahat ng mga kwestyon ko sa isip ko kaya nagpakalasing ako kagabi.

Kagigising ko lang at wala akong naabutang katabi. Alam kong dito ako natulog kila Gun dahil naaalala ko naman kahit na lasing ako.

Masaya ako dahil sa wakas ay nahagkan kong muli ang matagal ko nang namiss. Iba ang naidudulot na comfort sa akin kapag si Gun ang kayakap at kasama ko. He's so special to me, ewan ko ba kung bakit? Kaya nabaliw ako ng ilang araw dahil sa paglayo neto sa akin. Masasabi kong hindi na s'ya pwedeng lumayo sa akin. Gusto ko palagi lang s'yang nasa tabi ko at kayakap.

Pero may isa pang problema! Isang hadlang ang haharang sa amin ni Gun. Si Desiree. Ewan ko ba kung bakit ayaw akong palapitin kay Gun, eh, in the first place naman alam n'yang friends lang kami. Inakusahan pa ang taong may gusto sa akin.

Mahal ko si Desiree, mahal na mahal pero importante rin sa akin si Gun. Hindi ba pwedeng maging masaya ako sa piling ni Desiree bilang girlfriend ko at sa piling ni Gun na kaibigan ko?

Mahirap ba yun?

Hayyyyy!

"Good morning mamii!" Nakangiting bati ko kay Gun na kalalabas lang ng CR. Katatapos lang nitong maligo.

Hindi ka ba uuwi Off?" Tanong kaagad ni Gun. Hindi dahil pinapauwi na ako dahil hindi na talaga ako tinatawag na papii. Kumunot tuloy ang noo ko dahil naiinis ako.

"Sabi ko, bakit hindi ka pa umuuwi" ulit neto pero hindi iyon ang gusto kong marinig sa kanya.

"Hindi yun! Bakit hindi mo na ako tinatawag na papii ha?! Galit ka pa rin ba sa akin? Akala ko ba bati na tayo? Saka bakot bihis na bihis ka? Ummmm! Gusto mo kong makadate no?" Sabi ko sa kanya. Bumangod ako at naupo sa kama n'ya.

"Umuwi ka na dahil kanina pa tumatawag si Desiree sa'yo. Saka aalis ako" sagot neto sa akin.

"Saan ka pupunta? Sinong kasama mo? Breakfast na muna tayo" paglalambing ko sa kanya pero wala akong maramdamang pagkasweet sa kanya na gaya ng dati.

"Hindi ako pwede. Nandyan na rin kasi si kuya Oab. We have a date" sagot neto sa akin na nagpagulat sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Ano?! Anong sinabi mo?! Date?! Hah?! Seryoso ka?! Bakit ka pumayag? Nanliligaw sayo si kuya Oab?! Why?!" Gulat na gulat kong tanong sa kanya. Para akong nakaramdam ng galit! Di ko alam kung bakit? Basta parang naiinis ako lalo na't si kuya Oab pa yung lalaking yun!

"Ulit-ulit? Narinig mo naman diba?. I have a date with kuya Oab okay? Diba mahirap intindihin yun?" Nakakagagong sagot neto sa akin. Dahil sa hindi mapaipaliwanag na inis at galit ko ay kinuha ko nag phone ko para makatakyas na dito sa condo.

"Alam na ba ito ni kuya Tay?! Isusumbong kita!" Galit kong sigaw sa kanya.

"Go ahead. Nandyan na pala sa sala si kuya Oab hinihintay ako kasama si kuya Tay" nakangiting sagot pa neto sa akin. Kaya tuluyan na akong lumabas ng kwarto ni Gun.

Tama nga ang sinabi ni Gun! Nandito na si kuya Oab kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.

"Kuya!" Galit kong tawag da kanya. Tumayo ito na halatang hindi alam kung bakit ako nagkakaganito.

"Wh--"

Di na ako nakapagtimpi at sinuntok ko na s'ya kaagad bago ako tuluyang lumabas ng condo nila Gun. Shiitttttt! Naiinis ako! Si kuya Oab may gusto kay Gun?! Huh!?! Bakit ngayon pa n'ya balak manligaw?! Eh ang tagal-tagal na n'yang kilala si Gun! Hay! Saka bakit sa akin pa pinaalaga si Gun kung may kuya Oab naman na palang mag-aalaga?! At bakit ba kasi ako pumayag? At bakit ba kasi nakilala ko ps yang gagong Gun na yan! Naging kumplikado tuloy pag-iisip ko! Nakakainis! Bwisit!

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon