PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

58 2 0
                                    

CHAPTER 20

GUN'S POV

"Off, aalis ka na kaagad?" Tanong ko sa kanya ng kunin na n'ya ang bag n'ya at papaalis na ito. Tumingin lang ito sa akin at tinanguan, at pagkatapos nun ay iniwan na akong mag-isa grandstand.

Isang oras din kaming nagpractice para sa aming performance project para sa isang subject namin. Naging maganda ang flow ng aming practice dahil walang kibuan at walang personal reason para mag-usap kami. Di n'ya ako kinukulit at ang tanging ginagawa n'ya lang ay sundin ang sinasabi ko at practice.

We had practiced our performance pero walang emosyon. Basta maibato lang ang aming linya ay okay na. Kahit na sabihan ko naman s'ya ay wala s'yang kagana-gana. Nalukungkot tuloy ako dahil alam kong dahil s'ya tahimik at energy ay sa mga sinabi ko kagabi. I should be happy dahil finally, tumigil na s'ya pero iba ang isinisigaw ng puso ko na pilit na nilalabanan ng isip ko.

I want to comfort him pero nilalabanan ako ng isip ko. Gusto ko s'yang yakapin pero hirap ang aking mga parat kamay para gawin iyon.

Ngayon ko lang nakitang ganito katahimik si Off, seryoso at walang masabi na kahit na anong letra. Namimiss ko na ang dating Off, at gusto ko na rin maibalik yun sa akin pero natatakot ako.

Napaupo nalang ako dahil sa napakaraming tumatakbo sa isip ko. Hay! Hirap ng ganito. Di ko alam kung anong desisyon nag susunod kong gagawin! Ayoko s'yang lumayo! Ayoko! Sa totoo lang ayoko s'yang payagan para mag-abroad pero sa kagagahan ko, ako pa ang ang sanhi para matuloy s'ya sa pagpunta doon. At malaki rin ang chance na hindi na magtagpo ang landas naming dalawa. At baka dun na n'ya mahanap ang kapalit ko sa puso n'ya.

"I still love you Papii.........."

---

OAB'S POV

"Good morning Oab! Halika maupo ka na! Nagluto kami ni ate Seni ng umagahan. Halika na, masarap yan! Pinagtimpla na rin ng kape!" Masiglang bungad sa akin ni Oab na nakaschool uniform na. Pero nag-aasikaso pa rin dito sa bahay.

"Good morning Plan. Anong oras klase mo?" Wika ko sa kanya. Naupo na ako sa pwesto ko sa pagkain.

"8:30 pa pasok ko" nakangiting sagot neto sa akin.

"7:30 na ah?! Kuamin ka na ba?" Sabi ko sa kanya.

"Hindi pa. Hinihintay ko pa kayo" sagot neto sa akin.

"Kumain ka na, maamya pa bababa ang mga kasama ko. After mong kumain, ihahatid na kita" sabi ko sa kanya.

"Naku, mamaya na. Saka maaga pa, di mo-" tinitigan ko s'ya ng masama. Para manahimik na ito.

"Halika na, sumabay ka na sa akin. Dito ka na sa tabi ko" may awtoridad kong utos sa kanya. Kaya wala itong nagawa kundi ang sumunod sa akin.

"Kain ka na" sabi nito sa akin. Magtatangka sana itong lagyan ang plato ko pero pinalo ko ang kanyang kamay.

"You don't need to do that" sabi ko sa kanya. Kaya inagaw ko ang lalagyan ng kanin. Nilagyan ko ang plato ko at ang kanya.

"Wag ka na magreklamo" sabi ko sa kanya. Bago ko kinuha ang mgs ulam isa-isa at nilagyan ang plato n'ya.

"Mamayang gabi sa kwarto ka na matulog ha para makapag-aral ka ng mabuti" wika ko na naman sa kanya.

"Pero-"

"Wag ng magreklamo, sumunod ka nalang" sabi ko sa kanya kaya dito na ito umimik. Nagsimula na kaming kumain at pagkatapos naming kumain ay nagihis muna ako bago ko hinatid si Plan sa School n'ya.

Habang nasa byahe kami ay hindi umiimik si Plan at nakatingin lang sa labas.

"Tahimik ka?" Tanong ko sa kanya.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon