PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

37 3 0
                                    

CHAPTER 28

GUN'S POV

"Case dismiss!" Wika ng judge.

At dun gumuho ang mundo namin lalo na kami ni Off. Natalo kami sa korte at yun ang pinakamasakit na pangyayari sa akin ngayon! Shit! Oo! Malalayo na sa amin si Chimon.

"Papiiiiiiiiiiiiii!" Hagulgol ko. Niyakap naman ako ni papii. Pati rin s'ya ay umiiyak.

"That's okay mamii. Sa atin pa rin ang puso ni Chimon. May araw din na babalikan tayo ng bata" wika sa akin ni Off.

"Papii! Di ko kaya! Anak ko si Chimon! Papii!" Hagulgol ko.

"Gun, Off. Salamat sa pagkupkop sa anak ko ha. Promise, hindi ko ilalayo sa inyo ang bata. Allow pa rin kayong bisitahin si Chimon. Pero sana, bigyan n'yo ako ng pagkakataong bumawi sa anak ko. Ina rin akong uhaw sa pagmamahal sa anak" wika sa amin ni Bianca na lumapit pala sa amin.

"Bianca! Please! Wag mo namang kunin sa amin si Chimon. Mahal na mahal na namin ang bata. Please! Psrang awa mo na. Di ko kakayanin kapag nalayo sa amin ang bata! Ipaubaya mo na sa akin si Chimon. Aalagaan ko s'ya. Ipapakilala kitang tunay n'yang ina. Please wag mo lang ilayo sa akin si Chimon. Please!" Pakiusap ko sa kanya. Lumuhod ako at yakap-yakap ang braso ni Bianc.s

So-sorry Gun. Sorry dahil naging makasarili ako. Dahil binawi ko sa inyo ang anak ko na naging anak n'yo na rin. Sana maintindihan n'yo rin ako. Gusto kong bumawi sa anak ko" sagot naman ni Bianca na umiiyak na rin.

"Putcha naman Bianca! Ganun-ganun nalang?! Ha?! Huh!? Nakuha mo man si Chimon. Pero kami pa rin ang mga magulang n'ya ayon sa puso n'ya. Ang hirap neto para sa amin! Bianca! Isipin mong mabuti! Ibinigay mo sa amin si Chimon ng biglaan, tapos ngayon, kukunin mo sa amin ng sapilitan! Sana maging masaya ka na sa ginawa mo! Achievement mo yan, kahit para sa amin ay failure namin ito dahil hindi namin naipaglaban si Chimon!" Galit na may halong kalungkutan ang pagsisisigaw ni Off. Umiiyak na rin ito.

"Wala na akong magagawa Gun and Off. Korte na ang nagdesisyon. Alam kong kayo pa rin ang itinuturing na magulang ni Chimon. Pero gagawin ko ang makakaya ko para matutunan din n'ya akong mahalin bilang ina. Kung gusto n'yong bisitahin si Chimon. Every saturday pwede n'yo s'yang dalawin. At bukas na bukas kukunin ko na si Chimon. Maayos akong nakikiusap kaya pagbigyan n'yo ako. Makakaalis na ako" wika ni Bianca bago ito naglakad papalayo sa amin.

Nagyakapan kami ni Off habang umiiyak. Mas matindi pa itong nararamdaman namin ngayon kesa sa mga nangyari sa amin ni Off noon.

Maaalisan na kami ng karapatang maging magulang kay Chimon at nakakawasak ng puso yun. Mahirap tanggapin! Pero wala kaming magagawa kundi ibalik si Chimon kay Bianca. Kung hindi lang ito utos ng korte ay matagal ko ng itinakas si Chimon at nagpakalayo-layo. Pero mabuti akong tao. Hindi ko kaya iyon.

---

"Mamiiiiiiiiii! Papiiiiiiiii! You're home! You know what, i already finished my assignment. I took a bath also. I slept, this afternoon. I also cleaned my room. Diba sabi nyo kapag mabait at masipag ako bibigyan ako ng gift ni God? Dahil very good na ako, ang wish ko po ay hindi na ako makuha ni Miss Bianca. I don't want to leave you kasi mamii and papii because i love you so much" wika ng batang walang kamuwag-muwang. Imbis na matuwa ako sa sinabi n'ya ay bigla kaming napaiyak ni Off. Pero pinipilit naming ngumiti para kay Chimon.

"Sir, hindi ko po kwinento yan kay Chimon. Nagulat nga rin po ako sa mga pinagsasasabi n'ya sa akin" malungkot na wika ni yaya.

"Anak, come here!" Aya ko kay Chimon kaya lumapit ito. Niyakap ko s'ya kaagad dahil nasasaktan na naman ako kaoag naaalala kong hindi na s'ya titira dito sa bahay bukas.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon