PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

61 4 1
                                    

CHAPTER 24

3 years after

"Papii! Papii! Gising na! May pasok pa tayo!" Gising ko sa boyfriend ko. Natapos na kasi akong iprepare ang aming mga kakainin. Dahil sa magboyfriend na kami simula pa nung senior high school ay napagdesisyunan naming magcondo nalang kaming dalawa. Yes, nung una ayaw kaming payagan pero nung may dumating sa aming anghel ay pinayagan din kami. Kaya mahigit 2 years na rin kaming namumuhay ng kaming dalawa lang. And hindi purket kami lang ang namumuhay sa condo ay kami na bumubuhay sa sarili namin.

Tinutulungan pa rin kami ng parents namin at full support pa sila. Pero sa kabila nun ay di naman kami nagpapabigat sa aming mga pamilya. Actually nagtayo kami ng sarili naming coffee shop bilang pinagkukuhanan namin ng aming allowance na dalawa. LIVE IN short.

Dahil nga nag isang condo na kami ni Off ay napag-isipan rin naming isang degree nalang kunin namin para hindi na mag-iba pa ang aming schedule lalo na't hindi nalang sarili namin ang binubuhay namin.

Yes, tama ang narinig n'yo. Hindi lang kaming dalawa dahil meron na kaming anak at yun ay si Chimon. Limang taong gulang na s'ya ngayon.

Mahal na mahal namin ang batang iyon ni Off. Si Chimon ang nagpatatag ng aming pagmamahalan ni Off. Hindi na pansariling kaligayahan ang aming inaatupag kundi para na rin sa kanya.

Isang blessing ang pagdating sa amin ni Chimon dahil sa kanya mas naging matured kami ni Off. Mahirap kung mahirap pero kinakaya namin kasi masaya.

May pagkakataong nag-aaway kami ni Off pero hindi namin iyon pinapalaki pa. Si Chimon ang namamagitan sa aming dalawa para magbati.

We're a happy family! And i love it!

Ang pangarap ko lang dati ay natupad ng biglaan. Pero ang biglaan na yun ang bumuo sa pagkatao ko.

Ang hirap maging magulang lalo na kung ganito ang katayuan namin pero kinakaya naman dahil sa tulong ng mga pamilya namin.

So, sino nga ba si Chimon? Anong papel sa amin ni Chimon? Ikukwento ko iyan.

---flashback---

"Papii, pagod na ako maglakad-lakad. Gusto ko ng mqgpahinga!" Reklamo ko sa aking boyfriend. Dahil sa childish kong pag-iisip ay umupo ako sa aking kinatatayuan at nagmukmok.

PapiiMamii time kasi kami ngayon kaya lumabas kami para mamasyal sa park kung saan makapag-eenjoy kaming dalawa. Actually, kagagaling lang namin sa mall para manood ng sine, maglakad-lakad, mubili ng kung anu-ano at kumain ng masasarap na pagkain.

Naging routine na namin ito ni papii simula nung maging kaming dalawa. Masaya mga buwang mag-on kaming dalawa. Araw-araw akong nililigawan ni Off.

Pero ibang-iba na ngayon ang set-up ng aming relasyon ni papii ngayon. Noon na freeng-free si papii na makitulog sa condo namin ni kuya. Ngayon hindi na. Ang iniisip kasi ni kuya ay maging motel daw ang aming condo. At ang taray talaga ng dahilan ni kuya! Ummm, first akong nakuha ni Off ay nung first monthsary namin. Talagabg niready ko ang sarili ko para sa kanya. Di naman namin madalas ginagawa iyon pero kapag may pagkakataon lang kami nagsesex no. Hindi naman ako sex toy n'ya apra palagiin ako no. May respeto naman sa akin si papii kaya alam n'ya limitasyon n'ya.

At isa pang dahilan ni kuya ay baka magkasawaan daw kaming dalawa kapag pinayagan si Off na matulog sa condo namin. Mas okay daw na mamiss namin ang isa't-isa. Pero inuuwi naman ako ni Off sa bahay nila mga once a week. Kaya okay na rin yun para sa amin ni Off. Atleast we love each other.

"Kokonti palang ng nilalakad natin mamii eh, suko ka na" sabi naman sa akin ni Off.

"Kanina pa kaya tayo naglalakad sa mall. Pahinga muna tayo please" sagot ko sa kanya.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon