CHAPTER 17
OFF'S POV
"It's time to take a bath papii. Tayo na d'yan. Papaliguan na kita" utos ko sa kanya. Sabado ngayon kaya umaga palang ay sinundo na ako ni kuya Oab para maalagaan si Off. Ayaw kasing magpaalaga ni Off sa mga ibang tao maliban sa akin. Gusto n'ya ako lang. Buti nalang hindi nagtatampo sa akin si kuya Oab dahil hindi na kami nakapagdate ngayong sabado. Every saturday kasi ang date namin. Pero yun nga, nung sabado hindi kami nakapagdate, tapos ngayon na naman hindi pa rin dahil aalagaan ko si Off. Sabi n'ya okay lang daw basta maalagaan si kuya Oab. Buti nalang maunawain s'ya.
Pero sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi pa rin nagpapansinan ang dalawang magkapatid. Gusto nang magsorry ni kuya Oab pero palaging umiiwas si Off sa kanya. Kapag kinakausap ko naman si Off about kay kuya Oab ay naiinis s'ya sa akin. Tampu-tampuhan at talagang hindi ako papansinin.
Kaya naisip ko nalang na hayaan muna sila dahil at the end of the day, magbabati at magbabati rin sila dahil iba ang love ng magkakapatid.
"Ako na maliligo mag-isa ko. Kaya ko naman" mukhang nahihiyang sagot sa akin ni Off.
"Ako na magpapaligo sa'yo" pagpupumilit ko.
"Ayoko!" Sagot neto sa akin. Tinignan ko tuloy s'ya ng masama.
"Edi wag! Magpapaalaga ka tapos ayaw mong magpaligo! Sariwa pa yang sugat mo bawal mabasa! Uuwi nalang ako!" Kunwaring pagtataray ko sa kanya. Akma akong tatayo ang pigilang n'ya ako.
"Si-sige. Ba-basta nakashort ako ha. Sa-saka wag kang titingin sa ano ko, nakakahiya" nahihiyang sabi ni Off. Inirapan ko tuloy s'ya.
"Anong pag-aakala mo sa akin ha? Sayo lang yan!" Pagmamataray ko na sa kanya ng tuluyan.
"Di naman sa ganun. Nahihiya lang ako sayo. Baka makita mo kasing mabuhay eh. Sexy mo kasi eh. Baka di ako makapagpigil" sagot nito sa akin kaya pinalo ko s'ya. At saktong sa may sugat n'ya kaya sumigaw s'ya sa sakit.
"Sorry na papii" konsensya kong sabi sa kanya. Nang medyo umuokay na s'ya ay ipinasok ko na s'ya sa CR para paliguan ito.
"Next time, wala ng iinom ha! Magpapaalam sa akin kung saan pupunta" sermon ko sa kanya habang pinapaliguan ko s'ya.
"Opo, di ko na po uulitin!" Sagot neto sa kain. Sinabunan ko na s'ya. Maingat ko itong ginawa para hindi matamaan ang kanyang mga sugat. Alam kong nasasaktan n'ya kapag nababasa ang ilang maliliit na sugat n'ya pero tinitiis n'ya ito. Bahala s'ya, gumawa-gawa s'ya ng ikakasakit n'ya!
Matapos ko s'yang paliguan ay binihisan ko na s'ya. Syempre hindi ako pumayag na ako magsuot ng pambaba n'ya no!. Nakatalikod ako habang nagsusuot ng underwear at short. Sa damit ko lang s'ya sinuutan.
"Tara na kumain para makainom ka na ng gamot" aya ko sa kanya. Inalalayan ko itong mokong na ito. Ipinaupo ko s'ya at sakto nagpreprepare na sila ng pagkain. Nandito na rin si kuya Oab na parang irita sa aming dalawa ni Off. Sabi ko na ngang wag magselos dahil wala na ito for me.
"Mamii-Gun" sabay na alok ng dalawa ng pagkain sa akin. Napatingin tuloy ako sa kanila at ang sasama ng titigan nilang dalawa.
"Gun, try this. Masarap to" alok sa akin ni kuya Oab. Sabay lagay ng hotdog sa aking plato.
"Masarap daw, eh, normal hotdog lang naman yan. Mamii, you should try sausage. A-a- i mean this sausage" alok sa akin ni Off.
"Kanin Gun" alok sa akin ni kuya Oab at nilagyan ang plato ko.
"Ummm! Water mamii" alok naman ni Off. Wait lang?! Nagpapaligsahan ba kayo? Anong meron? Bakit kailangan n'yong gawin sa akin to.
"Wait! Naguguluhan ako sa inyo. Pwede hinay-hinay? Ang dami n'yong nilagay sa plato ko. Di ko ito mauubos" reklamo ko sa dalawa. Tumawa tuloy si tito at tita.

BINABASA MO ANG
PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE
RomantizmSi Gun ay isang malambing, mahinhin, mabait at madaling kaibiganin. Sa isang lugar ay makikilala n'ya si Off na makulit at spoiled na lalaki. naging malapit sila dahil sa kapatid nilang sina Tay(gun's big brother) at Oab(Off'x big brother). naging s...