CHAPTER 5
OFF'S POV
"Ohhhoooooyyyy! Our campus heartthrob is now arriving with his cutie boyfriend! Ooowwww! Legit na ba na sila?! Kasi bakit nakacouple jersey sila?! At callsign pa nila ang nakalagay! MAMII and PAPII! HOW SWEET!" sabi ng host sa game na ito. Tilian naman ang mga estudyante sa loob ng gymnasium na sobrang nakakabingi!
Si Gun ay hiyang-hiya kaya nakayakap ito sa aking braso at pilit na itinatago ang kanyang mukha sa braso ko.
"Relax lang Mamii, wag mo silang pansinin" bulong ko sa kanya.
"Pero nakakahiya pa rin papii eh" sagot sa akin ni Gun. Huminto ako at hinarap s'ya. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi na s'ya nagpalakas ng tilian ng nasa Gym. Konting kibot?! Sigawan?! Ganun ba talaga sila kinikilig sa amin ni Gun?! Ni wala nga kaming mutual understanding eh!
"Relax, okay! Ako bahala sa'yo sa bench ka na muna namin ha! Kailangan muna naming magwarm-up" sabi ko sa kanya.
"Papii, samahan mo ko pumunta dun" sabi naman sa akin ni Gun.
"Okay, let's go " sagot ko at hinawakan ko s'ya sa kamay. At hinatid ko na nga s'ya sa may bench. Pagdating namin dun ay dumating naman si Lala na president ng fans club ko.
"Hi papa Off and Gun. Papa Off, pwede ko bang maimbitahang sumali sa aming grupo si Gun. Kasama lang naming magchecheer" sabi ni Lala sa akin.
"No, dito lang s'ya tabi ko" agad kong sagot sa kanya.
"Awww, di naman kami malayo eh. Doon lang oh" sabi muli ni Lala at itinuro kung saan sila banda magchecheer.
"I said no. Dito lang s'ya sa akin" mariin kong sagot sa kanya.
"Ganun ba, okay" malungkot na sabi ni Lala.
"Papii, sige na payagan mo na ako. Dun lang naman oh. Saka mahinahon ka naman na kinausap diba? Kaya please payagan mo na ako" sabi naman netong kasama ko. Diba n'ya matandaang hindi s'ya pwedeng malayo sa akin?! Hay! HINDI!
"Ahhh, eeehhh, gusto mo ba mamii?" Paninigurado ko sa kanya.
"Yes papii!" Biglang laking uwang ng mga labi ni Gun sa pagsagot sa akin.
"Okay mamii, basta kung hindi ka comfortable doon just comeback here, okay" sagot ko sa kanya.
"Yes papii" sabi muli neto.
"Okay, kiss mo nga ako" sabi ko sa kanya.
"Papiiiiiii" nakapouty lips na sabi neto sa akin. Ayan ka na naman Gun eh, wag mong inaakit sa akin yang labi mo! Naaattempt akong halikan yan eh! Please wag naman!
"Hehehe! I'm just kidding!" Tumatawang sabi ko sa kanya. Pero deep inside! Gusto ko talagang maidampi na naman ang mga labi ko sa labi n'ya! Nababaliw na ba ako sa labi n'ya?
"Ooohhhh! Wag naman kayong maglandian sa harap ko! Kinikilig tuloy ako! Hayyyy! Halika na nga Gun!" Sabi ni Lala at hinatak na n'ya si Gun papunta sa kanilang pwesto.
Bumalik naman na ako sa may court para makapagwarm-up. Di ko maiwasang mapalingon kay Gun para icheck kung okay ba s'ya kila Lala. Pero sa pagkakakita ko ay comfortable naman s'ya sa kanyang pwesto.
Pero isang nagpaiba ng mood ko ay nang makita ko si Desiree na kasama na naman si Lee sa isang sulok. Magkatabing nakaupo at ang sweet-sweet sa isa't-isa. Nakakapagpakulo ng dugo habang pinapanood ko silang dalawa! Gusto ko silang sugurin! At pagsasapakin ang gagong Lee na iyon.
Ganti ba ito ni Desiree dahil sa kumakalat na balita about sa amin ni Gun?! Hah! Naipaliwanag ko naman na sa kanya lahat kung ano tunay na relasyon namin ni Gun ha!? At alam n'yang botong-boto si Gun sa aming dalawa! At sa sinabi n'ya kaninang mag-uusap kami! For sure nakapagdesisyon na yun kung sino pipiliin sa amin ni Lee. Alam ko na ang magiging kasagutan pero hindi ko kayang tanggapin ang pagkatalo sa puso n'ya!
BINABASA MO ANG
PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE
RomanceSi Gun ay isang malambing, mahinhin, mabait at madaling kaibiganin. Sa isang lugar ay makikilala n'ya si Off na makulit at spoiled na lalaki. naging malapit sila dahil sa kapatid nilang sina Tay(gun's big brother) at Oab(Off'x big brother). naging s...