PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

63 4 0
                                    

CHAPTER 14

OFF'S POV

Today is the wedding anniversary of lolo Krist and Billy. Every year ay nakukumpleto kaming pamilya, dahil yun ang pinakahinihiling ng dalawang lolo. Dahil matanda na sila at wala na silang kasama sa bahay ay kailangan namin silang puntahan lalong lalo na sa kanilang aniiversary, birthday. Sa ganoong paraan ay napapasaya namin sila.

Pero ngayon ko lang ata hindi maeenjoy ang anniversary. Maliban sa hindi ako pinapansin ni kuya ngayon, si Gun pa rin ang iniisip ko. I missed him so much! Nakakabaliw kapag hindi ko s'ya nasisilayan. Since Tuesday hindi ko na s'ya nakita lalo na sa school. Hindi pa s'ya gumagaling at umuwi pa ito sa bahay nila.

Tuwing umaga ay nagbabakasakali akong papasok na s'ya. Gusto ko na s'yang makita pero walang Gun na dumarating.

Sa bawat lugar kung saan nagkaroon kami ng moment ay naaalala ko s'ya. Nakikita ko s'ya na parang bula at mawawala na rin ng isang segundo.

Para na akong baliw. Di ko rin alam kung bakit mas naaapektuhan pa ako sa paglayo sa akin ni Gun kesa sa break-up namin ni Desiree. Hay! Ganun ang epekto ni Gun sa akin. Baka tama nga sila, lahat ng taong may feelings ako kay Gun, hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil binulang ako ng pagmamahal ko kay Desiree. Mas may pakialam na ako kay Gun kesa sa buhay ko. I don't know why?! Mag-iisang buwan palang kaming magkakilala pero iba talaga!

Hindi ako pumapasok ng school dahil gusto kong matuto! Dahil gusto kong makita si Gun. Araw-araw na nagbbakasakali na makita ko s'ya. Yun lang muna sapat na sa akin. Saka na ang iba pa. Dahil alam kong di pa n'ya ako papansinin at lalapitan man lang sa ginawa ko. Masama kasi akong tao! Masama! Kaya i'm suffering like this. Lahat ng kaparusahan tatanggapin ko, basta mapatawad lang ako ni Gun at bumalik kami sa dati.

At ngayong unti-unti ko nang nalalaman ang kasagutan kung bakit ako ganito kay Gun. Hindi na ako magdadalawang isip pang suungin iyon. Alam kong ikaliligaya ng puso ko yun, ng maluwag at walang takot.

Kararating ko lang dito sa bahay nila lolo pero agad kong hinanap si lolo krist dahil si lolo Billy ay abala na naman sa kusina. Gun talaga ugali n'ya kapag may bumibisita sa bahay na ito. Nasa pool daw s'ya, nagpapahangin. Nagtungo ako doon para makausap s'ya ng masinsinan. Alam kong s'ya ang makakatulong sa akin ng lubos dahil s'ya ang may karanasan ng ganito.

"Hi lo, happy anniversary sa inyo ni lolo Billy" bati ko kay lolo at nagmano ako sa kanya.

"Ummm Off, thank apo ha. Halika dito, maupo ka. Bakit di mo dala ang kaibigan mong si Gun? Gustong-gusto pa man din ng lolo Billy mo yun?" Sabi sa akin ni lolo. Kaya napakamot akong naupo sa tabi n'ya.

"Yun nga po ang isa sa ipinunta ko dito lo eh. Nagkaroon kasi ng problema. Saka po may sakit s'ya" sagot ko kay lolo.

"Ganun ba apo. Ano bang problema yun apo?" Tanong ni lolo.

"Mamaya ko na po ikukwento lo, pero gusto ko po sanang marinig ang kwento n'yo ni lolo Billy ulit. Confuse na confuse na kasi ako sa nararamdaman ko at alam kong makakatulong ang story n'yo sa mga katanungan sa isip ko" sagot ko kay lolo.

"Sige, makinig ka ha" sabi ni lolo at ikwinento na nga n'ya ang kanilang love story ni papa.

---

GUN'S POV

"Hello kuya Oab, good morning. Napatawag ka kuya?" Tanong ko sa kanya sa phone. Tumawag kasi s'ya. Kagigising ko lang din dahil gabing-gabi na bago ako nakatulog. Di pa rin maalis sa isip ko ang nangyari nung lunes. Pilit na bumabalik ang sakit, sakit na di ko na kayang damdamin pa. Masakit isipin na kahit nagmahal lang ako ay ganito pa ang maisusukli sa akin.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon