CHAPTER 15
GUN'S POV
"Hello kuya, uwian na po namin" bungad ko sa tinawagan kong si kuya Oab. Nagpromise kasi s'ya na susunduin ako. Kaya heto ako tinatawagan ko na. Kalalabas ko lang din sa classroom. Pero may asungot na paalialigid sa akin. Kanina pa s'yang nantitrip! Kung hindi magtetext, didikitan ako ng sticky note. Kung hindi naman tatawagin ako tapos kuwaring hindi s'ya yun. Sunod ng sunod! Hay! Nakakainis! Binabadtrip ako.
Naglakad ako papalabas ng building para hintayin si kuya Oab. Naupo ako sa gilid ng hagdan at nagscroll-scroll muna sa aking phone.
"Haaaaaayyyyyyy! Mamii, wala ka pang sundo? Gus-" biglang binawi ni Off ang kanyang pag-aakbay sa akin dahil tinignan ko s'ya ng masama. Kuwaring wala s'yang ginagawa at kung anu-anong alibi ang kanyang ginagawa.
"Alam mo, dami naming pinag-aralan nung last week. Ummmm, gusto mo bang hiramin ang notes ko?" Sabi ni Off sa akin pero di ko nalang s'ya pinansin.
"Oyyy, gusto mo ba?" Pangungulit neto.
"Papaano kang magkakaroon ng notes, ni bag nga wala kang dala" mataray kong sabi sa kanya.
"Hehehehe! Pero promise, nagtake down notes ako para sayo last week. Nasa sticky note nga lang" sabi pa neto.
"Ayoko" matamlay kong sagot sa kanya.
"Hah?! Bakit?!" Tanong na naman neto.
"Ayoko dahil panget sulat mo at wala akong maintindihan. Saka naipangako ko sa sarili kong hindi na ako dedepense sayo sa kabila ng ginawa mo sa akin! Naiintindihan mo ba?! Ayoko ng gumawa ng connection between us. Ayoko na! Kaya tigilan mo na ako! Layuan mo na ako!" Inis mong sabi sa kanya. Naramdaman ko sa kanya ang pagkalungkot sa sinabi ko. Di ko ba alam kung nasaktan s'ya sa sinabi ko. Pero di ko rin naman sure kung sincere s'ya sa mga emosyon n'ya. Di na ako magpapadala sa mga ganoong reaksyon n'ya dahil hindi na ito kapanipaniwala!.
"Bakit mo ba ako kinukulit ha?! Para saan na naman tong kalokohan na to Off?! Please wag na ako ang biktimahin mo! Dahil nasaktan na ako!" Sabi ko sa kanya. Napayuko nalang ito at napahaplos ng mukha. At bumalik sa patingin sa akin.
"Because i want we to start over again. I suffered alot nung sinaktan kita and i'm still suffering now. Pero ngayong alam ko na ang kasagutan sa mga katanungan ko. Narealized ko na ikaw na pala ang laman ng puso ko. Ikaw na ang tinitibok neto pero masyado lang akong nagpabulag sa pananaw kong si Desiree ang mahal ko. Since nung nag-away tayo, after nun nakipagbreak sa akin si Desiree. At hindi ko ininda si Desiree, ikaw at ikaw pa rin ang laman ng puso't isip ko. I might not the right person for you. Shit, sinaktan ko nga damdamin mo diba?! Pero handa akong magbago! Magbago ng pananaw, maibalik ka lang sa piling ko. Diba tinanong mo ko kung may mga meaning ba lahat ng ginagawa kong sweet moments sayo lalo na ang ang kisses at hugs? Mamii, may meaning yun. Sadyang naitago lang. Ginagawa ko yun dahil ikaw pala ang gusto at itinitibok ng puso ko. Mamii, give a chance para magbago. Please! Marami akong natutunan at naunawaan, ikaw na pala ang taong bubuo sa puso ko at hindi ang iba. Mahal kita mamii!" Mahabang sagot sa akin ni Off. Ang mga mata n'ya, makikita mong unti nalang ay babagsak na ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. Pero hindi yun ang dahilan para bigyan ko s'ya ng chance. Kulang pa ang iyak na yun sa ibinuhos kong iyak sa loob ng halos isang linggo.
"I don't want to be hurt anymore. Ayoko ng umiyak lalong lalo na kung dahil sayo. You have hurted my feelings me once at magagawa mo pa yun sa susunod. Wala na akong trust sayo. At hindi ko na ipapaubaya ang puso ko sayo" sagot ko kay Off. At doon na nga tuluyang bumagsak ang mga luha ni Off sa harap ko.
Peeep! Peeep!
"I have to go" paalam ko kay Off at lumapit na ako sa lumabas sa kotseng si kuya Oab.
BINABASA MO ANG
PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE
RomanceSi Gun ay isang malambing, mahinhin, mabait at madaling kaibiganin. Sa isang lugar ay makikilala n'ya si Off na makulit at spoiled na lalaki. naging malapit sila dahil sa kapatid nilang sina Tay(gun's big brother) at Oab(Off'x big brother). naging s...