PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

37 3 0
                                    

CHAPTER 26

GUN'S POV

"So, what are you doing here Bianca?" Walang kabuhay-buhay kong tanong kay Bianca. Nandito na kami ngayon sa may sala, si papii, si Bianca at ako. Agad kong pinapasok si Chimon sa loob ng kwarto n'ya nang makita ko kaagad si Bianca na nakatayo sa labas ng pinto.

Kinakabahan ko, nagagalit at natatakot sa mga pwedeng mangyari. Hindi basta-basta magpapakita si Bianca ng walang dahilan. May gusto s'yang mangyari na pakiramdam ko ay hindi makakayang gawin iyon.

Simula nung makita ko siya noon after 2 years hanggang ngayon ayas umayos ang itsura n'ya. Mas nagbloom at mukhang may ginhawa na sa kanyang sarili. Maayos ang pagkakalapat ng kanyang make-up. Mukhang nakasuot ng mamahaling damit, sapatos at alahas at ang dating blond na buhok ay bumalik na sa pagiging itim.

Pero hindi ibig sabihin nun ay titiklop na ako sa kanya.

"Ammmmmm, Gun, Off. Nandito ako para sana dalawin at makita ko ang anak kong si Chimon. Gusto ko s'yang mayakap at mahalikan" pakiusap sa amin ni Bianca. Umayos ako ng upo na parang may awtoridad sa usapang ito.

"Kung yun lang abmng balak mo dito Bianca, papayagan kita. Pero kung lalagpas pa doon ang kagustuhan mo, pwede ka ng lumabas ng condo namin at wag ka ng bumalik. Sabihin mo ang totoo bakit ka nandito!? Anong kailangan mo? Bakit ka pa nagparamdam kung kelan ayos na ang lahat?" Mariin kong sabi sa kanya. Napayuko si Bianca na parang hindi alam kung kelan n'ya uumpisahan ang pagsasalita.

"Gun, alam kong,,,,,,, napamahal ka na sa anak ko. Ti-tinuring mo na s'yang anak. At sa ilang araw kong pagmamatyag sa iyong pamilya ay sobrang saya ng anak ko sa inyo." Nag-umpisa ng umiyak si Bianca. Pero ako nanatiling nakatindig at pinapatatag ang sarili. Kailangan kong magmatapag alang-alang sa anak kong si Chimon.

"Bilang isang ina ay kailangan ko ang pagmamahal ng aking anak. Mahal na mahal ko ang anak ko kaya nagsumikap ako para maibalik s'ya sa akin. Nandito ako para bawi-" di ko na pinatapos si Bianca dahil nanggigigil na ako sa galit sa kanya.

"Babawiin?! Sana inisip mo yan bago mo ibinigay sa amin ang bata! Ano ba si Chimon para sayo?! Ha?! Bianca?! Tuta na kahit kelan mo gustong iwan at kunin okay lang?! Bianca! Magpakatao ka! Babawiin mo sa akin ni Chimon ng ganun-ganun lang?! Mabuti pa umalis ka na! Hindi ko ibibigay sa'yo ang anak ko! ANG ANAK KO!" Nanggigigil kong sigaw sa kanya. Napatayo na ajo at dinuro-duro si Bianca. Nakakabwisit ang mga salitang binitawan n'ya! Nakakagago sa pagkatao ko bilang magulang.

"Gun, may karapatan ako bilang tunay na ina!" Sagot sa akin ng umiiya na si Bianca.

"Karapatan! Hahahaha! Sana naisip mo yang salitang yan bago mo iniwan sa akin ang bata! Sana naisip mo yan, bago habang tumatakbo ka papalayo sa anak mo! Ako mas may karapatan kay Chimon dahil ako ang pumuno sa ng pagmamahal ng isang magulang na ipinagkait mo! Ako ang bumuhay sa kanya at bumuo! Naisip mo ba ang sakripisyo namin Bianca ha?! Babawiin mo nalang basta-basta? Yung mga gabing iyak ng iyak ang bata dahil nagugutom. Ako at si papii ang bumabangon! Kahit puyat na kami at may pasok pa kinabukasan sa school na hindi mo ginawa! Yung tipong mabaliw kami sa pagtakbo sa hospital si Chimon, maagapan lang ang dumarating na sakit n'ya, pero ikaw iniwan mo lang s'ya!

Tapos ano ha?! Babawiin mo na kaagad matapos mong ipamigay?! Hindi ko ipinagkakait na makilala ka ni Chimon bilang tunay n'yang ina. Pero hindi ako papayag na bawiin mo s'ya sa akin! Magkamatayan tayo! Umalis ka na! Umaliiiiissss kkkkkkaaaaa nnnnnnaaaaa!" Sigaw ko sa kanya. Nakayakap na sa akin si Off sa pagwawala ko.

"Babawiin ko ang anak ko! Magkita nalang tayo sa korte!" Sigaw sa akin ni Bianca.

"Ako pa tinakot mo?!" Sagot ko naman sa kanya.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon