CHAPTER 9
OFF'S POV
"Are you with me? Kanina ka pa nakatitig sa cellphone mo? Masaya ka bang kasama ako?" Iritang tanong sa akin ni Desiree. Nandito kami ngayon sa favorite restaurant namin ngayon para kumain ng umagahan. Pero ngayon ay abala pa rin akong kachecheck ng phone ko kung nagreply na ba sa text ko si Gun. Ilang araw na akong hindi pinapansin kasi ni Gun simula nung lunes. Ilang beses ko s'yang sinubukang kausapin para humingi ng tawad pero ni hindi ako kinikibo. Ni lumayo na s'ya sa akin sa pag-upo sa loob ng classroom. Hirap na hirap ako dahil hindi ko alam kung bakit n'ya iyon ginagawa sa akin? Wala naman akong alam na kasalanan kong malala sa kanya. I think, talagang pinalayo na sa akin si Gun ni kuya Tay.
Nakakapanibago dahil wala akong hatid sundo. Wala akong nayayakap, wala akong nabibiro, wala akong nananakawan ng halik, walang naglalambing sa akin, hindi ko na rin naririnig ang malambing na boses n'ya at wala ng Gun na tumatawag sa aking papii. Dahil kung sasagot man sa akin si Gun ay OFF nalang ang tawag sa akin.
Sa loob ng apat na araw ay si kuya Oab na ang kanyang nakakasama. Si kuya Oab ang nanunundo at naghahatid kay Gun. Every lunch ay napupunta si kuya Oab sa cafeteria na malapit sa amin para makasabay si Gun. Nakakapangselos dahil ako dapat ang nasa sitwasyon ni kuya Oab pero ngayon wala na. Kelan kaya kami magkakabati at malalaman kung ano ang kasalanan ko sa kanya.
"I'm waiting for the reply of Gun. Ilang araw na kasi akong hindi pinapansin. Hindi na rin ako nirereplyan sa mga text ko at sinasagot ang mga calls ko. Miss ko na s'ya" sagot ko kay Desiree habang tutok na tutok ako sa phone ko.
"Ako ang kasama mo ngayon pero iba ang nasa isip mo. Am i important to you Off or he is more important than me? Ako ang date mo pero bakit si Gun pa rin ang inaalala mo? Sabihin mo nga ang totoo Off? Gusto mo ba si Gun?" Inis na sabi sa akin ni Desiree kaya nahawak ako sa kamay n'ya.
"No! Desiree hindi ko s'ya mahal. We're just friend. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang, wala ng iba" sagot ko sa kanya.
"Then kung ako ang mahal mo, susundin mo lahat ang gusto ko bago kita sagutin. Mas bigyan mo ako ng oras kesa kay Gun. Gusto ko layuan mo na si Gun. Dahil nakakapangselos kayo. You're to close to each other" sabi sa akin ni Desiree.
"Hah?! Desiree naman. Wala kang dapat ikaselos sa amin. Magkaibigan lang talaga kaming dalawa. Mahirap naman ata ang gusto mong mangyari. Bakit ko naman iiwasan si Gun eh, kaibagan ko s'ya" sagot ko sa kanya.
"Sige! Ganito nalang. Mamili ka sa aming dalawa. Si Gun o ako?" Tanong sa akin ni Desiree.
"Desiree wag namang ganyan! Bakit kailangan kong mamili! Parehas kayong importante sa akin. Mahirap yang pinapagawa mo sa akin" sabi ko sa kanya. Inalis ni Desiree ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Kung gusto mo akong mapasagot, iwasan mo si Gun. As simple as that. Pag-isipan mong mabuti yan, bago mo ko kausapin. I have to go" sabi nito sa akin at tumayo na s'ya, kinuha ang kanyang bag at iniwan ako dito sa restaurant. Dahil sa sobrang gulo ng isip ko dahil sa kondisyon ni Desiree ay napahaplos nalang ako ng mukha. Ang hirap mamili! Naging importante na sa akin si Gun! Tapos ngayon, iniiwasan pa ako. Pero mahalaga rin sa akin si Desiree! Heto ang pagkakataon ko para makuha ang oo n'ya. Hindi ko na paplagpasin ang pagkakataon na ito! Shiiitttt!!!!! Ang gulo!
---
GUN'S POV
"Thank you kuya Oab sa paghatid. Sige po pasok na ako sa room" pasalamat ko kay kuya Oab na naging driver ko ng apat na araw. Iniiwasan ko na kasi si Off ngayon dahil sa kagustuhan ko at ni kuya Tay. Pero kung ako lang, hindi ko matiis na iwasan si Off! Pero si kuya Tay ang inaalala ko. For sure magagalit s'ya kung makikipagbati na ako kaagad kay Off.
BINABASA MO ANG
PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE
RomanceSi Gun ay isang malambing, mahinhin, mabait at madaling kaibiganin. Sa isang lugar ay makikilala n'ya si Off na makulit at spoiled na lalaki. naging malapit sila dahil sa kapatid nilang sina Tay(gun's big brother) at Oab(Off'x big brother). naging s...