CHAPTER 23
ba¹kit ganun? Nakalagpas na kami sa subdivision kung saan nakatira sila Off? Akala ko ba sa bahay nila kami pupunta?
"Pa-papii, sa-saan tayo pupunta? A-akala ko sa bahay n'yo tayo pupunta? A-akala ko ba mag-aano amm basta yun" tanong ko sa kanya.
"Hindi, pupunta tayo kila lolo. Ipapakilala kita as my new boyfriend. Saka kung kanina mo pa iniisip yung sinabi ko. Hindi muna natin gagawin yun. Alam kong kanina ka pa natetense sa sinabi ko. Kung di ka pa ready i can wait. Basta ang mahalaga, i love you, okay" nakangiting sagot sa akin ni Off.
"Thank you papii ha. Buti naiintindihan mo ko. Hindi pa rin kasi talaga ako ready eh" nanginginig kong sabi sa kanya. Hinawakan naman n'ya ang kamay ko gamit ang isa nitong kamay.
"Don't worry. I respect you mamii, that's how much i love you. But it doesn't mean na magpakampante ka na. I'll wait until saturday. Ready yourself dahil wala ka nang magiging palusot sa akin. Okay?" Sabi nito sa akin bago iniangat ang kamay ko at hinalikan n'ya ito.
"O-okay" nasagot ko nalang sa kanya. Shit, yan na naman s'ya ano gagawin ko?
Nang makarating na kami sa bahay nila lolo ay pumasok na kaming dalawa. Hinawakan n'ya ang kamay ko at nagngitian kaming dalawa.
"Lolo Billy! Lolo Krist?! Where are yo?!" Tawag ni Off sa dalawa. Naabutan naman naming dalawa ang isang katulong nila na naglilinis ng bahay.
"Good morning sir. Nasa pool po sila sir" sagot naman ng katulong.
"Salamat ya" sagot ni Off at idinala nga ako ni Off sa pool kung nasaan ang dalawa.
"Good morning Lolo Billy na Krist" masiglang bati ni Off sa dalawa. Lumapit kami sa dalawa at nagmano.
"Good morning din sa inyo mga apo!. Oh, diba ngayon ang flight mo? Bakit nandito ka pa? Saka bakit parang masaya ka at magkaholding hands pa kayong dalawa ni Gun?" Sabi naman ni lolo Billy kay Off.
"Ahhhh ehhhh, mahabang kwento po lo eh. Pero ikukwento ko. Ammm, yes, ngayon po ang flight ko papuntang New York. But nagpunta muna ako sa school para samahan si Gun sa performance/project n'ya at makapagpaalam na rin. Pero may papigil itong Gun eh. Kaya ibinigay ko ticket ko sa kanya and pinunit n'ya. And that means, kami na officially! Kaya idinala ko na s'ya dito para ipakilala ko sa inyo ang love of my life ko" mayabang na sagot ni Off. Si lolo Billy naman ay pasimpleng tumayo at bigla n'yang piningot sa tenga si Off.
"Nagcutting classes kayo! Para lang ipakilala sa amin si Gun bilang boyfriend mo?! Diba sabi ko sayo mag-aral ng mabuti! Dinamay mo pa si Gun sa kalokohan mo ha!" Pagalit ni lolo Billy kay Off. Imbis na mag-alala ako sa nangyayari kay Off ay natawa pa ako.
"Aray! Aray! Lo! Sorry na! Excited lang akong ipakilala si Gun sa inyo bilang boyfriend ko!" Reklamo ni Off kaya binitawan na s'ya ni lolo Billy.
"Maski na! Pwede mo namang itawag or mamayang hapon nalang kayo nagpunta dito. Pag-aaral ang inuuna at priority hindi yang mga yan ha, Off!" Pagalit muli ni lolo Billy kay Off.
"S'ya! S'ya! Dito muna kayo ha! Mahaba-habang kwentuhan tayo ngayon" singit naman ni lolo Krist sa usapan ng dalawa.
"Gusto mo ipagluto kita ng paburito mo apo? S'yang nandito na kayo. Sige na, magsasalo-salo tayo ngayon" sabi naman ni lolo Billy kahit nakasimangot pa ito.
"Sige po lo! Thank you!" Magalak na sagot ni Off kay lolo Billy.
"Gun, samahan mo ko sa loob. Off, maiwan ka kay lolo Krist mo" sabi ni lolo Billy.
"Hah?! Di pwede lo! Gusto kong kasama si mamii! Ka-o-on palang namin, ihihiwalay mo naman kami kaagad" reklamo kaagad ni Off kay lolo Billy.
"Sige na, sundin mo nalang si lolo Billy. Magluluto lang naman kami eh. D'yan ka na. Gusto ko ring makipagkwentuhan kay lolo Billy, namiss ko kasi s'ya" nakangiting sabi ko kay Off.
BINABASA MO ANG
PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE
RomanceSi Gun ay isang malambing, mahinhin, mabait at madaling kaibiganin. Sa isang lugar ay makikilala n'ya si Off na makulit at spoiled na lalaki. naging malapit sila dahil sa kapatid nilang sina Tay(gun's big brother) at Oab(Off'x big brother). naging s...