CHAPTER 30
FINALE
After 10 years
CHIMON'S POV
"Good morning mamii! Happy mother's day! Blow your candle na!" Isang masiglang sigaw mula sa akin ng makapasok ako sa kwarto nila ni papii. Sa pagsigaw ko ay doon sila nagising na dalawa.
"Wow naman! Thank you anak! Halika nga dito! Bigyan mo nga ng kiss si mamii" nakangiting wika ni mamii. Kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at inilahad ang kanyang cake na binili ko. Pinag-ipunan ko talaga iyon para sa kanya.
"Thank you anak! Napakaswerte ko talaga sayo anak, every year mo nalang ako hinahandugan ng ganito. Hmmm, baka may surprise ka na naman ha!?" Wika sa akin ni mamii. Yes, may surprise talaga ako sa kanya dahil gawain ko yun taon-taon. May savings naman ako para magawa ko iyon.
Pati rin si daddy ay ginagawa ko iyon kapag father's day. Maliit lang naman na bagay iyon sa kabila ng sakripisyo nila sa akin. Bilang pasasalamat lang ang aking ginagawa sa kanila kahit yung pera ay galing din sa kanila. Iba pa rin kasi ang may effort para sa kanila para madama nilang mahalaga sila sa akin.
Hinipan na ni mamii ang kanyang cake bago ako niyakap ni mamii. Yumakap din si papii sa amin ni mamii.
"Hmmmm, ikaw Chimon ha! May kasalanan ka na naman pala! Nagasgasan mo yung kotse ko" wika ni papii sa akin kaya napangisi ako at napakamot ng ulo.
"Sorry na, nagkamali lang ako ng pagpasok sa garahe. Pero maliit lang naman yun" paliwanag ko sa kanya.
"Hay, dahil d'yan, kapag nasa tamang edad nalang kita talaga bibilhan ng kotse. Hindi ka pa kasi nag-iingat" sagot sa akin ni papii.
"Awww! Diba sabi n'yo next year n'yo na ako bibilhan" reklamo ko sa kanya.
"Hindi, next-next year nalang kita bilhan. Kung dimo na naman sana ginasgasan ang kotse ko at hindi na mabilang ang kapalpakan mo, edi sana mabibilhan kita?" Sagot ni papa sa akin. Kaya itinabi ko muna ang cake at humiga ako sa gitna ng mga magulang ko.
"Papa naman eh. I'll be careful next time. Magpapractice na ako magdrive kasama si kuya para gumaling ako. Pa, malaki na ako, pero hatid sundo n'yo pa ako eh" reklamo ko kay papii.
"Fine! Pero next time, kapag may nangyari na naman sa kotse ko, kapag 21 ka na ikaw bibilhan ng kotse okay" sagot ni papii.
"Papii naman! Ang dali mong mabilog sa mga sinasabi ng anak mo! Inispoiled mo kasi eh" pagalit ni mamii kay papii.
"Si mamii naman! Kontrabida ka talaga! Halika nga! Hug kita!" Paglalambing ko kay mamii. Kaya hinug ko s'ya at hinalikan sa pisngi.
"Owwww! Mamii don't forget to wear formal attire! Hah! I will fetch later dahil for now, i will go to mama Bianca to greet her. So now, i need to say goodbye muna. Papii, ikaw muna bahala kay mamii ha. Bye!" Sabi ko at mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto ng parents ko. Tinawag ko si kuyang driver para mapuntahan ko na si mama. Dadaanan ko pa pala yung cake na pinagawa ko kanina para kay mama Bianca at isang bouquet of flower.
---
GUN'S POV
"Hay, ang anak mo talaga! Nagagawa nalang ang gustong gawin. Ikaw kasi eh, masyado mong ini-spoiled" wika ko kay papii nang maiwan na kami ni Chimon sa kwarto.
"Ikaw naman, alam mo namang ganun lang talaga si Chimon. Hayaan mo na. Pero mamii, dahil mother's day ngayon, may gift ako sayo" wika ni papii at bigla itong ngumisi na may gustong ipahiwatig.
"Papii, katatapos lang natin kagabi!" Wika ko sa kanya kasi alam ko na binabalak ni papii.
"Oh, ano naman kung katatapos natin kagabi? Iba ang kagabi sa ngayon. Sa ngayon, heto muna ang paunang regalo ko sayo mamii" sabi sa akin at biglang pumatong ito sa akin.
BINABASA MO ANG
PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE
RomansaSi Gun ay isang malambing, mahinhin, mabait at madaling kaibiganin. Sa isang lugar ay makikilala n'ya si Off na makulit at spoiled na lalaki. naging malapit sila dahil sa kapatid nilang sina Tay(gun's big brother) at Oab(Off'x big brother). naging s...