PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

78 4 0
                                    

CHAPTER 13

GUN'S POV

"Gun?! Anong nangyari sayo?! Bakit basang-basa ka ng ulan?! San ka galing?! Ha?! Pinag-alala mo ko?!" Pag-aalalang bungad sa akin ni kuya Tay. Nilapitan n'ya ako kasama si kuya Oab.

"Kuyaaaaa!" Nagsimula na naman akong umiyak hanggang bumagsak na ako at nawalan ng malay.

---

"Gun! Gun! Buti gising ka na! Ang taas ng lagnat mo? Ano ba kasing nangyari bakit ka nagkakaganyan?! Gun!? Nag-aalala ako!" Bungad sa akin ni kuya na halata mga mata at action n'yo he is worrying to much to me.

"Kuyaaaaaaa, kuya i'm broken! Ang sakit pala?! Kuya ang sakit-sakit! Ilang beses dinurog yung puso ko ni Off. Ang sakit! I confessed to him about my feelings. Pero di n'ya iyon tinanggap! Ipinamukha n'ya sa akin na kasalanan ko kung bakit ako na inlove sa kanya. Tama s'ya! I'm so assuming that he loves me too. Nagpadala ako sa maling paniniwala ko. Isinampal sa akin ang katotohanang hindi n'ya ako kayang mahalin. Ang sakit kuya! Sa pag-aakala kong nagkecare s'ya sa akin pero hindi pala! Hindi! Ang tanga-tanga ko! Minahal ko pa yung gagong yun! Ang tanga-tanga kooooooooooo!" Paghihinagpis ko sa kuya ko. Niyakap tuloy ako ni kuya dahil humahagulgol na ako.

"Malilintikan talaga sa akin yang Off na yan! Humanda s'ya sa akin!" Galit na sabi naman ni kuya Tay.

"Hayaan n'yo na po s'ya kuya. Wala s'yang kasalanan. It's all my fault. Minahal ko s'ya. Ako dapat ang magsuffer. Simula't sapul naman sinabi na n'ya sa aking kaibigan lang ako. Pero ako lang ang nagpumilit na mahalin s'ya" sagot ko sa kanya.

"Wala kang kasalanan Gun! Hindi mo kasalanang mainlove sa kanya dahil s'ya ang nagbigay mutibo sayo! Why he had to kiss you before for nothing? Why he had to be clingy to for nothing? Natutulog s'yang katabi n'ya for nothing? Gago ba s'ya?! Wag na wag na s'yang makakalapit sayo ha! Kawawa sa akin yung gagong yun" galaiting sabi ni kuya.

"Mamiiiiiii! Mamiiiiiiii! Can we talk! Mamii! Lumabas ka d'yan! Mag-usap tayo please! Mamiiii!" Napatigil kaming tatlo nina kuya Tay at Oab ng marinig namin si Off na sumisigaw sa labas. Nagtayuan ang dalawa at mabilis na lumabas ng kwarto ko. At kahit nanghihina ako ay lumabas ako para harapin si Off.

"Gago ka! May gana ka pang pumunta dito sa kabila ng pananakit mo sa damdamin ng kapatid ko! Gago!" Galit na galit na sinugod ni kuya Tay si Off at pinagsusuntok ito. Pinigilan naman s'ya ni kuya Oab.

"P*t*ng *n* mong gago ka! Wala ka ng karapatang kausapin si Gun! Sinaktan mo s'ya diba?! Kaya bakit nandito ka pa?! Hah?! Para saktan s'ya ulit!? Alam mo napakagago mo! Napakaselfish mo! Pinakitaan mo ng kakaiba ang kapatid ko tapos gagaguhin mo lang ng ganun-ganun lang?! Ha?! Off! Huuuuuhhhh! Nanggigigil ako sayo gago ka!" Sigaw ni kuya Tay kay Off. Umiiyak na si Off habang nakaupo sa sahig dahil sa pagsusuntok ni kuya.

Ganun din ako, nasa gilid lang ako habang umiiyak. Hindi dahil sa sinasaktan ni kuya si Off kundi habang nakikita ko si Off ay bumabalik lahat ng masasamang sinabi n'ya sa akin.

"Mamii, sorry sa lahat ng nasabi ko. Sorry, di ko kayang malayo ka sa akin. Please! Wag mo akong layuan please!" Lumuhod sa akin si Off habang umiiyak.

"Hindi mo kayang malayo s'ya?! Please?! Gago ka palang Off ka eh! Wala na! Hindi na pwede! Hindi mo na malalapitan si Gun kahit kelan! Sa lahat ng sinabi mo sa kanya?! Lahat ng ginawa mo?! May gana ka pang pumunta dito?! Off, hindi mo na mabibilog ang isip ni Gun! Mas lalo ako! Kaya ikaw umuwi na kung ayaw mong bugbog sarado ka dito!" Sigaw ni kuya Tay kay Off.

"Off, umuwi ka na. Mas makakabuti ang lahat ng iyon kung hihintuan mo na si Gun" mahinahong sabi naman ni kuya Oab.

"Sinasabi mo lang yan para magkaroon ka ng pag-asa kay Gun! Hindi ako aalis dito hangga't hindi kami nagbabati ni mamii ko!" Sigaw naman ni Off kay kuya Oab.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon