CHPATER 29
GUN'S POV
"Good morning papii! Gumising ka na d'yan! Nakapagprepare na ako para sa birthday ni Chimon! It's simple pero matutuwa ang anak natin!" Nakangiting wika ko sa asawa kong tulog pa rin hanggang ngayon.
"Mamii, natutulog pa ako. Mamaya na ako babangon" sagot naman sa akin ni Off na hindi man lang umiba ng pwesto sa pagkakahiga.
"Papii, today is birthday of Chimon. We need to celebrate it! Nagprepare ako oh! Hindi patutuwa sa Chimon kapag ganyan ka! Dadating na rin ang mga magulang natin mamaya-maya" pagpupumilit ko kay Off.
"O s'ya! Heto na po mamii, babangon na" sagot neto at bumangon na nga si papii.
"Good morning mamii! Good morning papii! Today is my birthday! I'm now 6 years old! Yehey!" Bungad ng batang napakasaya ngayong kaarawan n'ya.
"Happy birthday anak!" Bati ni papii.
"Halika nga dito anak! Happy birthday!" Sabi ko naman. Peeo imbis na lumapit ito ay nanatili s'ya sa kinatatayuan n'ya.
"Mamii, papii, dito lang kayo ha. Pupuntahan ko lang si mama Bianca! Babye!" Wika neto at nagmadaling umalis sa harao namin. Kaya napatayo ako.
"Chimoooonnnnn! San ka pupunta?! Chiiimmmmmmooooonnn!"
"Mamii! Mamii! Hoy! Nananaginip ka! Mamii! Gising! Gising!" Isang tinig ang narinig ko kaya napamulat ako ng mata. Napayakap ako kaagad kay papii at umiyak ako. Sobrang miss na miss ko na si Chimon. Isang linggo na rin ang nakalipas ng hindi namin s'ya nakikita. Gabi-gabi nalang ay napapanaginipan ko s'ya. Hindi ako makapagfocus sa lahat dahil si Chimon lang ang inaalala ko.
Alam ko kahit tahimik si Off ngayon ay miss na miss na rin n'ya si Chimon. Minsan napapakinggan ko s'yang umiiyak sa loob ng CR. Kulang ang mundo namin kaya di namin magawang maging masaya.
Hindi pa namin nakakausap si Chimon dahil kaoag tumatawag ako kay Bianca ay pinapatayan kami. Hindi nga namin alam kung nakauwi na ba sila galing Cebu.
Lalo pa ngayon na gustong-gusto na namin ni Off makita si Chimon dahil kaarawan n'ya. 6 years old na ang anak namin. Pero malungkot kami ni Off dahil hindi namin s'ya kapiling. Nakakapanibago dahil umaga palang noong nakaraang taon ay nagkakaanda-ugaga kaming lahat ng pamilya para sa birthday party ni Chimon. Pero ngayon, nakakulong pa rin kami ni papii habang nag-iiyakan dahil sa pangungulila namin kay Chimon.
"Papii, i really miss our son! Miss na miss ko na s'ya!" Hagulgol ko kay Off.
"Mamii, pati ako miss na miss ko na rin s'ya. Hindi nga ako makatulog isang linggo na kakaisip sa anak natin. Pero kailangan nating magpakatatag. Habang nagpapakadusa tayo dito ay malulungkot ang bata kung malalaman n'ya ito. Miss ko na rin s'ya mamii" wika naman sa akin ni papii.
"Anong gagawin natin papii?! Hanggang ngayon wala pa tayong balita kay Chimon. Si Bianca ay di na tayo sinasagot ng tawag!" Pagpuputok ng budhi ko.
"Gagawa tayo ng paraan makita lang natin si Chimon. Pero ngayon, kahit wala siya dito sa puder natin. Alalahanin natin ang kanyang birthday. Kahit wala s'ya, magprepare tayo ng kahit kaunting handa n'ya. Kahit masakit, icelebrate natin ang birthday n'ya kahit hindi natin s'ya kasama. Kaya halika na, bumili na tayo ng cake at kaunting handa n'ya. Ayain na rin natin sila Desiree" wika ni Off sa akin.
"Sa tingin mo gaganahan pa ako papii? Magcecelebrate tayo ng birthday n'ya pero s'ya mismong hahandaan natin wala? Papii, mas lalo lang akong masasaktan dahil maalala at maalala ko ang pangungulila ko sa kanya. I can't papii. Masasaktan lang ako" sagot ko sa kanya.
"Heto naman ohm sige na. Bili lang tayo kahit cake at pizza nalang. Kahit tayong dalawa nalang" pagpupumilit sa akin ni Off.
"Papii, tinatamad akong tumayo. Wala rin akong gana" sagot ko sa kanya pero patuloy akong hinihila patayo ni papii.
BINABASA MO ANG
PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE
RomanceSi Gun ay isang malambing, mahinhin, mabait at madaling kaibiganin. Sa isang lugar ay makikilala n'ya si Off na makulit at spoiled na lalaki. naging malapit sila dahil sa kapatid nilang sina Tay(gun's big brother) at Oab(Off'x big brother). naging s...