CHAPTER 16
GUN'S POV
Sumusobra na talaga yang Off na yan! Nagiging bayolente na s'ya. Para saa?! Ha?!
Nagpunta kagabi si kuya Oab dito sa bahay gabing-gabi dahil badtrip! Sinuntok ba naman daw ni Off si kuya n'ya?! Huh! Di man sinabi ni kuya Oab ang dahilan pero maling-mali si Off na awayin si kuya Oab! Mabait s'ya! Saka kapatid n'ya! Dapat lahat ng magkakapatid nagmamahalan.
Di dinitalye ni kuya Oab ang nangyari kagabi basta ang sabi n'ya lang ay nagwawala itong Off at bigla-bigla nalang itong sumugod. Hay! Ano bang nangyayari kay Off?! Sa ginagawa n'ya nauubusan na s'ya ng kaibigan at kapamilya! Una ako, si Desiree at ngayon si kuya Oab! Nag-iiba ns talaga ugali n'ya. Wala s'yang karapatan pa para bigyan pa ng chance!
Mamaya ay kakausapin ko talaga s'ya! Di pwedeng ganun-ganun nalang ang kanyang tinatrato! Hindi na maganda!
Nagmamadali na akong naglalakad ngayon papasok sa classroom ngayon para makausap si Off. Sa tingin ko ay nakapasok na ito.
Pagpasok na pagpasok na pagpasok ko sa room ay naabutan ko s'yang nakaupo sa isang sulok at nakatingin sa malayo sa bandang bintana. Nagmumuni at mukhang malungkot. Napansin ko rin na may balot ang kanyang Kamao at hindi ko alam ang dahilan ng iyon.
Lumapit ako sa kanya oars kausapin.
"Off! Pwede ba tayong mag-usap?!"galit kong bungad sa kanya.
"Ummm, ano yun?" Matamlay na sagot neto sa akin.
"Bakit mo sinuntok si kuya Oab?! Anong kasalanan n'ya sayo?! Hah?! Napakabait n'yang tao pero bakit ganun nalang ang ginawa mo! Mukhang hindi naman s'ya ang problema kundi ikaw. Namimihasa ka na sa ganyang ugali mo!" Galit kong sabi sa kanya. Tumingin ito sa akin at tumawa pa.
"Nagsumbong na pala sayo si kuya Oab no? So, ako na naman lumalabas na mali dito?. Hahaha! SIGE! MALI NA AKO! GAGO NA AKO! P*T*NG *N* AKO! SIGE! AKO NA MASAMA! AKO NA! PERO INALAM MO BA MUNA ANG DAHILAN KUNG BAKIT KO YUN GINAWA?! OO! NAGING MASAMA AKO SAYO DAHIL BINUSTED KITA! PINAGSALITAAN KITA NG MASAMA NUN! PERO HINDI IBIG SABIHIN MASAMA NA AKONG TAO! MAPANAKIT NA AKO! YES! I WAS WRONG THAT TIME PERO NAKUHA MO BA AKONG BIGYAN NG PAGKAKATAON PARA MAGBAGO?! MAGSISI SA GINAWA KO?! I'M TRYING MY BEST PARA MAKABAWI SA GINAWA KO SAYO! PERO ANO?! PATULOY MO AKONG NILALAYUAN, KINAMUMUHIAN AT TINUTURING NA MASAMANG TAO!
"Tao ako! Nagkakamali! Pero bilang tao, may karapatan din akong nagbago sa lahat ng nagawa kong mali. DAHIL MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA!
"Akala ko! Kung sino pa ang kapamilya ko sila pa ang makakaintindi sa akin! Akala ko! Sila ang unang maniniwala sa akin na magbabago ako! Pero hindi! Yang sinasabi mong MABAIT na Oab! Sayo lang mabait dahil gust ka! Pero sa akin ba?! Gun! Trinaydor ako ng gago kong kapatid na yan!
"Sige! Okay lang na hindi ka maniwala sa akin dahil MINSAN NA KITANG NASAKTAN! AT WALA KA NG TRUST SA AKIN! OKAY LANG KASI WALA NG NAKAKAINTINDI SA AKIN KUNDI AKO NALANG. AKO NALANG!
"Kelan binigay ni kuya Oab ang reviewer mo?!" Galit, sumisigaw nanginginig at lumuluha ng si Off. Natahimik tuloy ako dahil dama ko kung gaano s'ya nasasaktan. Gusto ko s'yang yakapin dahil kahit na ano oang nangyari nung past ay may pinagsamahan din naman kami. Tama s'ya, lahat ng nagkakamali ay pwedeng magbago pero kailangan ko lang maging pusong bato para di na naman ako maging marupok sa kanya.
"Kahapon, lunch time" mahina kong sagot sa kanya.
"Hiniling mo bang kuhanan ka ng notes?" Tanong muli neto.
"No, nagulat nalang ako nung ibigay n'ya sa akin iyon kahapon" sagot kong muli sa kanya.
"Huh! Before mo kong sugurin ng ganyan, magalit sa akin st pagtaasan ng boses. Make sure alam mo muna kung bakit ko yun ginawa. Ako, nagpapakahirap akong suyuin ka. Kahit naitaboy mo ko ng paulit-ulit pilit ko pa ring ginagawang magpapansin sayo, bumalik lang tayo sa isa't-isa. Yung mga bagay na hindi ko ginagawa, ginagawa ko na ngayon, makabawi lang ako sayo. Pero yang sinasabi mong mabait na Oab, tumitira s'ya patalikod. Traydor yan! Traydor!
BINABASA MO ANG
PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE
RomanceSi Gun ay isang malambing, mahinhin, mabait at madaling kaibiganin. Sa isang lugar ay makikilala n'ya si Off na makulit at spoiled na lalaki. naging malapit sila dahil sa kapatid nilang sina Tay(gun's big brother) at Oab(Off'x big brother). naging s...