PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

74 4 2
                                    

CHAPTER 11

OAB'S POV

Taking a risk is better than not even trying. I already knew na mahirap ang hinarap kong pagsubok pero sinuong ko pa rin sa pag-asang maibalik sa akin ni Gun ang dating pagtingin n'ya sa akin. Pero ngayon, inagaw na lahat ng kapatid ko ng walang kahirap-hirap. I want to be together with Gun.

Nakakatawa mang isipin pero i'm crazy inlove with him. And i have learned alot to lolo Krist on how to love gay like Gun and lolo Billy.

Pero sa tingin ko, hindi naman kailangang matutunan ang pagmamahal mo sa isang gay dahil lumalabas ito ng natural. Gaya nalang kung papaano kumilos o itrato ni Off si Gun. Hindi ganyan kasweet si Off pero kay Gun, sobrang genuine ng kanyang galaw, ngiti at saya.

"Off Tigilan mo yan! Nakikiliti ako! Off" Sigaw ni Gun na may kasamang malalakas na tawa.

"Hahahahaha! Sige! Isa pang Off ka d'yan di kita titigilan!" Sigaw naman netong si Off.

"Ayoko nga, OFFFFFFF!" Sagot ni Gun kay Off.

"Ganun pala ha?! Humanda ka sa akin!"

"Papiiiiiiiii! Tama na! Hahahaha! Papiiiiiiii! Tigil na! Please!"

"Ayan! Very good!"

"Offff!"

"Ganun ha!!!!!! Halika dito!"

"Ahhhhhhhh!!!! Kuya Tayyyyyy si paaaaaaapppppiiiiiii-"

Nahinto ang dalawa nang makita kami ni Tay  sa sala na nakaupo nang makalabas sila sa kwarto ni Gun. Gulat na gulat sila at parang nakakita ng multo.

"Kuya Oab?!" Gulat na wika ni Gun at hindi mapakali ang kanyang tingin sa amin ni Off.

"Hi, good morning Gun" bati ko sa kanya.

"Hay, may epal na naman sa amin ni mamii" bulong man ni Off iyon ay narinig ko pa rin ng buo. Ngumiti lang ako dahil hindi naman ako pumapatol sa mga childish na kagaya n'ya.

"Bakit suitor ka ba ni Gun para sabihin mong umeepal si Oab?" Pabarang sabi naman ni Tay kay Off.

"Ehhhh, i'm his friend! Saka parang older brother na rin ako. I just want to protect my mamii" mayabang na sagot ni Off.

"Bakit? Hindi ba ako kuya ni Gun, para sabihing hindi ko s'ya prinoprotektahan kay Oab? Kilalang kilala ko si Oab, kaya masasabi kong okay s'ya for Gun. Kesa sayo" sabi ni naman ni Tay. Halatang naiinis na si Off at konti nalang ay sasabog na ito para magalit. Ganyan yan, ang bilis mainis. Kaya nga hindi ko na pinapatulan.

"Sige na sumama ka na kay Oab!" Inis na sabi ni Off kay Gun bago nagmadaling pumasok sa loob ng kwarto ni Gun.

Paglabas n'ya ay may dala-dala na itong body bag.

"San ka pupunta papii?" Tanong naman ni Gun kay Off.

"Uuwi na! Nandyan na manliligaw mo diba?! Baka maka istorbo pa ako!" Galit na sagot ni Off.

"Akala ko ba sabay tayong magbebreakfast?" Naging malungkot na tuloy si Gun ng sabihin iyon ni Off.

"Diba may deal na tayo?" Tanong muli ni Gun.

"Deal-deal na yan, kay kuya Oab ka lang sumama. Mas bagay kayo eh! Sige na alis na ako" sagot ni Off. At naglakad na ito papuntang pinto.

---

OFF'S POV

Nakakainis! Feeling ko ako ang kontrabida sa amin ngayon sa loob ng condo na ito eh! Si kuya Tay boto kay kuya Oab! Manliligaw si kuya Oab! Hay! Tapos ako panira lang ng mga plano nila! Kababati lang namin ni Gun tapos may susulpot biglang asungot! Diba nakakainis! Anong pang magagawa ko? Ako na masama sa kanilang tatlo! Concern lang naman ako ha! Saka, moment namin ngayon ni Gun! May sumingit pa! Hay! Nagdecline pa naman ako sa pag-aya sa akin ni Desiree na magpuntang mall at babawi raw s'ya sa akin sa ginawa n'ya kahapon! Pinalusutan ko nalang na bumisita ako kila lolo krist at billy!

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon