PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

70 4 0
                                    

CHAPTER 6

GUN'S POV

"Bilisan mo!" Pagmamabilis ni Off sa akin kahit na nag-aayos palang ako ng sarili ko. Ni hindi pa ako nakakapagpabango.

"Wait lang naman papii! Di pa ako nakapag cologne!" Irita kong sagot sa kanya.

"Tagal mo kasi eh! Pagligo lang talo mo pa babae!" Sabi pa neto.

"Excuse me! I'm girl, you know!" Pagtataray ko sa kanya sabay irap.

"Okay! Sige na! Basta bilisan mo nalang!" Sabi neyo kaya nsgpabango na ako at konting ayos sa buhok ko. Kunuha ko ang body bag ko at sabay na kaming lumabas ni Off. Dahan-dahan kaming naglakad sa sala para hindi marinig ni kuya pero pagkabukas na pagkabukas palang ni Off ng bag ay biglang may nagsalita.

"At saan kayo pupunta?!" Tabi ni kuya Tay kaya napangisi kami at humarap sa kanya.

"Ah, eh, pupunta po sana kami sa bahay namin kuya" natatakot na sagot ni Off kay Kuya Tay.

"Bakit kelangan n'yong tumakas?" Tanong muli ni kuya at naupo pa s'ya sa may sofa dala-dala ang isang tasa.

"Eh, kasi po baka hindi n'yo ko payagan kuya eh" sagot ko sa kanya.

"So, ibig sabihin. Kailangan mo nang tumakas sa akin ngayon dahil lang sa Off na yan?" Tanong muli ni kuya kaya napakamot ako ng ulo.

"Hindi naman sa ganun kuya" ang tangi ko nalang na nasabi.

"Kuya, dun lang po kami mag-uumagahan" sabi naman ni Off kay kuya.

"Hindi s'ya pwedeng umalis ngayon. Uuwi kami sa bahay" mahinahong sabi ni kuya bago humigop ng kape.

"Kuya! Please! Saglit lang po kami! Ihahatid ko rin po s'ya kaagad" pakiusap ni Off. Pero tinignan lang ng nakakasindak ni kuya si Off.

"I said no. Ano bang mahirap intindihin sa salitang no? Basta hindi sasama si Gun, dahil uuwi kami. Makakauwi ka na Off" sagot ni kuya kaya dismayado kami ni Off sa naging desisyon ni kuya.

"Okay kuya. Bye mamii, call-call nalang tayo ha. See you soon" malungkot na sabi ni Off.

"Sige po papii. See soon" sagot ko sa kanya bago ito tuluyang lumabas ng unit ni kuya. Padabog akong naglakad papunta sa tabi ni pwesto ni kuya at naupo sa tabi n'ya.

"Di lahat ng pagkakataon, kayo na lagi magkasama. Family naman tayo ngayon hindi puro Off! Papii!" Sabi ni kuya sa akin kaya yumakap nalang ako sa kanya.

"Okay po kuya" tanging sagot ko nalang sa kanya.

"Sige na iimpake mo na mga pinagdamitan mo. Ligo lang ako at uuwi na tayo sa bahay" utos sa akin ni kuya pero di ko s'ya pinakinggan. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

"Wag mo ko dinadaan-daan sa paglalambing mo na yan ha. Hindi lahat ng gusto mo nasusunod. 5 days na nga kayong makasama ni Off gusto mo pa s'yang makasama kesa sa parents natin" panenermon sa akin ni kuya.

"Kuya, pwede ko bang isama si Off sa bahay natin?" Tanong ko sa kanya.

"Halla ka! Malala ka na bunso! Hindi pwede! Naku Gun ha! Umayos ka! Sige na magimpake ka na!" Pagalit sa akin ni kuya kaya padabog akong pumasok ng kwarto ko.

"Wag mo kong pinagdadabugan d'yan Gun ha!" Sigaw sa akin ni kuya. Di ko nalang s'ya pinansin. Ni hindi na maayos ang pagkakaimpake ko ng pinagdamitan ko dahil sa badtrip ko kay kuya. Hay!!! Panira ng moment! Pwede namang mamaya na kami umuwi! Medyo malapit lang naman ang bahay namin!

---

OFF'S POV

"Anak, bakit mag-isa mo lang umuwi? Akala ko ba may kasama ka?" Tanong ni mama Gie.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon