[Highest rank achieved #1 in boxboy] Adik ka ba sa online games? Nauubos ba ang oras mo kakalaro ng mga ito? Paano kung magkaroon ka ng chance makapasok sa mundo ng paborito mong laro? Isusugal mo ba ang buhay mo? **** Isang mabait at sweet na anak si Gemini. Lumaki s'yang kasama ang kuya n'ya. Lahat ng pangangailangan ay binibigay ng mga magulang nilang nagta-trabaho sa ibang bansa. Pero sadyang hindi napupunan ng mga materyal na bagay ang kakulangan sa puso n'ya. Kaya gano'n na lang ang tuwa ni Gemini nang malaman ang paparating na contest kung saan lahat ng players ng paboritong laro n'ya ay inaasahang magkita para sa gaganaping patimpalak. Kakayanin kaya ng androgynous na bida ang madilim na sikreto ng larong sinalihan n'ya? Kaya n'ya bang isugal ang buhay n'ya? Pati ang puso n'ya?