CHAPTER 5
•ZABBY's POV•
"Class, please be reminded that tomorrow you'll have to present a poem with 4 stanzas. You can make it in a free verse form or anything that you like, it's up to you. Please be creative in making your poem, the topic should be catchy and relatable" sabi ni ma'am habang inaayos ang mga gamit niya.
Natapos din sa wakas ang klase namin pero may iniwan na naman siyang gawain. Relatable? Ano naman kaya ang gagawin kong topic? Hmmm, kung about kaya sa mga manloloko? O di kaya sa mga sinungaling?Wow, perfect idea.
"Miss? Are we going to present it in front of the class?" tanong ng isa naming kaklase."Yes, of course. Do you have any questions?"
"None Miss!"
"Okay class dismissed. Take now your recess, good bye class" pagpapaalam nito at lumabas na.
Pagkalabas ni ma'am ay sari-saring ingay naman ang maririnig mula sa mga kaklase ko. Nagrereklamo sila dahil sa may bago na namang kailangang gawin at bukas pa talaga.
"Grabe, araw-araw ata tayo may activity sa kanya"
"Oo nga eh"
"Wala tayong choice kundi gawin 'yon, ayaw niyo naman siguro sa palakol na grades diba?"
"Syempre. Sino ba may gusto ng palakol?"
Napapailing na lang ako sa kanila. Kahit anong pagrereklamo nila, wala pa rin silang choice kundi ang gawin ang activity HAHAHA.
Napansin kong tahimik lang ang dalawa kong katabi. Hindi sila tumatayo sa kinauupuan nila kahit na tapos na naman ang klase.
Hindi ba sila kakain?
"Zabby-ghOrl, tara na? Tom Jones na ako eh" tawag sa'kin ni Gabby.
Kahit kailan talaga hindi nito makakalimutan ang salitang libre eh. Siguro ang laki na ng savings nito kasi di naman siya gumagastos.
"Hindi ba dapat ikaw ang manlibre sa'kin? Di ko naman nakain 'yong pagkain na inorder natin do'n sa resto ah" sabi ko pa, umaasa na sana hindi ko siya malibre hihi.
"Abaaaa! Kasalanan mo 'yon, nang-iwan ka eh" paninisi niya.
Hmmmmp, sabi ko nga eh.
Hindi na lang ako umalma pa at kinuha ang bag ko. Hinanap ko ang wallet ko sa loob pero nailabas ko na lang ang lahat ng gamit ko ay wala akong nakitang wallet."Hala, nasaan na 'yon?" bulong ko habang naghahanap.
"Anyare ghOrl?"
"'Yong wallet ko, wala dito sa bag ko" alala kong sagot. Paktay! Nando'n pa naman lahat ng cards ko, nakuuuu.
"Ha? Baka naman naiwan mo sa bahay niyo"
Pilit ko naman inalala kung naiwan ko nga ba pero no'ng naalala kong sumakay ako ng taxi at nakapagbayad pa ay sigurado akong nadala ko 'yon.
"Hindi ah, nagbayad pa nga ako sa taxi eh. W-wait, halaaaa! B-baka nailaglag ko no'ng may nakabangga ako kanina! Owemji"
Do'n ko pa naalala na nahulog nga pala lahat ng gamit ko dahil sa pagkakabanggan namin ng kung sino. Aaaaargh! Hindi ko pa naman alam kung ano ang itsura niya kasi di ko naman siya nilingon kanina.
Sheeeeeeet! I need to find my wallet huhu.
"Ito ba 'yong hinahanap mo?"
Napalingon ako kay Draco at sa hawak niya. T-teka, wallet ko 'yan ah! Paano napunta sa kanya 'yan?
"B-bakit nasa iyo 'yan?" gulat kong tanong.
"I found it. Sa susunod kasi tingnan mo 'yong dinadaanan mo para di ka makabangga. Baka sa susunod, hindi na mga gamit mo ang titilapon kundi ikaw na" nakangiti niyang sabi na ikakurap ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/251680965-288-k99241.jpg)
BINABASA MO ANG
THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)
FantasyBook 2 of The Chosen Heiress (Unedited) ~ The princes and princesses of Lux Kingdom have a mission to accomplish in the world of mortals. Each of them has a different mission to be accomplished in order to finish their training and will receive an u...