CHAPTER 1
•ZABBY's POV•
~Cause I, I, I'm in the stars tonight,
So watch me bring the fire and set the night alight~
Nasa kalagitnaan ako ng pagto-toothbrush nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag.
Tiningnan ko naman agad kung sino 'yon habang nagto-toothbrush pa rin, si Gabby pala, ang bakla kong friend.
"Hello?" sagot ko sa tawag niya.
"Girl! Nasa labas ako ng bahay niyo."
Eh?
"Anong ginagawa mo r'yan?"
"Sinusundo ka, pupunta tayong mall."
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya at inaalala kung may nasabi ba siya sa'kin kahapon.
"Mall? Wala naman tayong kasunduan na magma-mall tayo a." taka kong tanong.
"Kailangan pa ba ng kasunduan bago mag mall? Di mo ba knows 'yong surprise malling?" sarcastic niyang sabi na ikinataas ng kilay ko.
"Heh! Bakla ka, bahala ka d'yan!"
Ginambala niya ang pagto-toothbrush ko, tsk.
"Hoy babae! Naalala mo ba 'yong video ng katangahan mo?"
What did he say?
"Langya ka Gabriel Ashone Bartolome! Subukan mo lang kundi kakasuhan kita!" gigil na sagot ko.
Blackmailer amp.
"Duh, lawyer ang mommy ko kaya wala akong problema d'yan noh saka pwede ba? Wag mo'kong tawagin sa full name ko, yuck!" maarte niyang tugon.
"Arte mo, hintayin mo'ko d'yan para makutungan kita!" sagot ko na lang at ibinaba ang tawag.
Langya talaga ang baklitang 'yon, blinak-mail pa ako. Kailangan ko na talagang ma delete ang video na 'yon sa cellphone niya.
Nakakahiya kaya 'yon.
Naghahabulan kasi kami ni bakla no'n tapos nagbi-video siya sakto namang nadapa ako at napahalik sa lupa, hays! Ayoko ng maalala ang kahihiyang 'yon.
"Aaaaaaah putek! Waaaaaah kadiri!" sigaw ko at luwa nang luwa.
Yuck!
Nainom ko ang tubig na nasa bibig ko imbis na nagmu-mugmog lang ako huhu.
Tanga talaga ako! Aaaaah kasalanan talaga ito ng Gabby'ng 'yon huhu.
"Anak? Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw? Umabot pa talaga sa ibaba ang boses mo" alalang sambit ng mommy ko sa labas ng kwarto.
"W-wala po mommy" sagot ko na lang at pinagsasampal ang sarili.
Parang masusuka talaga ako sa ginawa ko'ng 'yon, hays. Humanda ka talagang Gabby ka, gagantihan kita, hmmmp.
Nag-ayos na rin ako at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto. Naabutan ko pa si mama na naghahanda ng almusal at may naisip naman akong kalokohan para kay Gabby.
*evil smile*
"Mom, hindi po ako dito mag-aalmusal ngayon. Nasa labas si Gabby, pupunta po kaming mall" pagpapaalam ko.
"Gano'n ba? Ba't di mo siya pinapasok dito?"
Oo nga noh?
"Hayaan mo na lang po 'yon, may sandwich pa po ba tayo?"
BINABASA MO ANG
THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)
FantasíaBook 2 of The Chosen Heiress (Unedited) ~ The princes and princesses of Lux Kingdom have a mission to accomplish in the world of mortals. Each of them has a different mission to be accomplished in order to finish their training and will receive an u...