CHAPTER 26: Abduction

108 9 0
                                    

CHAPTER 26 

ZABBY's POV• 
 

Gabi na akong nakauwi sa amin. Dumiretso ako sa kwarto ko't nagbihis pagkatapos ay pinuntahan si mommy sa kwarto niya.

Gano'n pa rin ang pwesto niya. Nakaupo at walang nagbago. Kitang-kita ko rin ang shield na inilagay ni Aeria. Kung titingnan, maamo lang ang itsura niya at parang hindi pa patay.

Nilapitan ko siya't pinagmasdan. Gustong-gusto ko ng haplusin ang mukha niya at yakapin kaso 'di ko magawa—hindi na pwede.

"M-mom, you've always been good to me. Lahat ginawa mo para sa'kin. I'm sorry for being selfish mom. Sorry kung hindi pa po kita pinapahinga ng tuluyan. I don't want to end your sufferings in this way. Gusto ko na kung mawala ka man, hindi dahil kay Dark—h-hindi dahil masama ka na. Mahal kita mommy, sobra," sambit ko habang naluluhang nakatingin sa kanya.
 
"I—I want you back but it's too impossible. Wait for me there in the afterlife, I'll be there soon."

Lumabas na rin ako pagkatapos ko siyang kausapin. Naghanda na lang ako ng makakain at naupo sa sofa. Nanunuod ako ng TV at hindi na nagulat pa sa balitang naka-flash sa screen. 

Patayan.

Nakawan.

Rape.

Ganyan ang kadalasang naririnig at nakikita ko sa TV. Napabuntong-hininga ako. Alam kong may kasalanan ako at alam ko ring may magagawa ako para masolusyunan ang lahat ng nangyayari sa mundong ito.

Should I just end my life for them?

Or end someone's life to save them?
 
I sighed.

Pagkatapos kumain at manood ay pumasok na rin ako sa kwarto ko. Akmang hihiga na ako sa kama nang mahagip ng paningin ko ang kahong pinaglagyan ko sa patalim na ibinigay ni Gale.

Naaalala ko na naman ang mga sinasabi niya sa akin dati. Pati na ang paraang naisip nila aside sa aming dalawa ni Harry.

Kinuha ko ang patalim mula sa kahon at hinaplos. Ramdam ko pa ang guhit na nakalagay sa may hawakan nito—parang pakpak. Does it mean 'freedom'?

Right.

Kapag may tinapos na buhay ang patalim na ito, sigurado akong maging malaya siya. Malaya sa lahat ng sakit at paghihirap. Malaya mula sa mga hindi magandang karanasan at mararanasan.

Masaya siguro iyon.

Masaya sigurong maging malaya sa pamamagitan nito.

Bago pa matangay ng emosyon, nagulantang ako sa lakas ng tunog mula sa cellphone kong nasa study table.
 
Si Harry.

"Hello? Napatawag ka?" bungad ko.

"Checkin' you out. Are you okay?"

Napangiti ako. Harry really knows when to call. Siguro dahil may ugnayan na kami at iyon ay ang guhit na nasa palapulsuhan naming dalawa.

"Yup! Okay lang ako," sagot ko, still wearing the smile I've put on my face.

"Great. Good night and I love you," sabi niya. Napakagat na lang ako ng labi dahil sa pagpatay niya ng tawag—ni hindi pa nga ako nakasagot.

After having my deep imaginations, I fell asleep.

Nagising akong mabigat ang pakiramdam. Oo, lagi naman akong pagod kapag nagigising dahil sa paggamit ni Dark sa katawan ko pero iba ngayon. Parang maalinsangan. Hindi ko ma-explain 'e. Nababalisa ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Mainit ang pakiramdam ko. Nilalagnat kaya ako? Nanghihina pa nga ang buo kong katawan. Pero nasa akin ang batong ibinigay ni Harry kaya imposibleng epekto ito ni Dark.

THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon