CHAPTER 8: Identity Revealed

219 13 0
                                    

CHAPTER 8

 
Dalfon's POV

 
Hindi ko inasahang gano'ng balita ang dala ng ibang royalties. Nakakagulat dahil sa ganitong edad namin ay makakaranas kami ng isang napakahirap na pagsubok.

How could we stop ourselves from falling in love? Pwede ba 'yon? My parents used to tell me about love at sabi nila'y mahirap 'yon pigilan.

Sana nga hindi mangyari ang gano'ng bagay dahil ayokong masira ang pinaghirapan ng mga magulang namin.

But...

H-hindi ko magagawang umiwas sa maaaring dahilan no'n dahil nangako ako kay Adrian na ako na ang bahala kay Eli. I can't leave her lalo na pagkatapos ng gagawin namin.

I know she'll feel empty pag mabura na ang mga alaala niya and for sure, I'll be guilty on taking away her happiness but on the other side, I'll be happy dahil mawawala na rin ang iniwang sakit ni Adrian sa kanya.

"Dalfon... Dalfon pala ang pangalan mo. Nakausap mo na ba ang tutulong sa'kin?" untag sa'kin ni Adrian.

Oo nga pala.

"Kakausapin ko pa lang" sagot ko.

Kanina lang natapos ang usapan namin tungkol sa ipinapasabi ng mga magulang namin pero di ko pa sila ulit nakausap tungkol sa multong kasama ko.

"Everyone, can I have your attention please?" tawag ko sa kanila, sabay naman silang napalingon sa'kin.

"Diba sinabi ko kanina na may kasama ako ngayon? Alam niyong limitado lang din ang panahon niya kaya kailangan ko na siyang tulungan. Aeria? I need your help" diretsahang sabi ko habang nakatingin sa pinsan ko.

Her lips formed into 'o' dahil sa gulat. Ngayon lang kasi ako nanghingi ng tulong sa kanya.

"A-ano 'yon? Saka ba't ako?" tanong niya.

"Ikaw lang 'yong may kakayahang makapagbura ng alaala kaya ikaw ang kailangan ko ngayon" sagot ko at seryoso siyang tiningnan.

Napaayos naman siya ng upo at napalunok pero kalaunan ay tinaasan ako ng kilay. Told yah, mahirap talaga siyang pakiusapan, hays.

"Dalfon, alam kong pinsan kita pero sorry ha? Ayokong gawin ang gusto mo"

Sabi ko na nga ba't tatanggi siya. Naiintindihan ko naman kung bakit at 'yon ay dahil malaki ang epekto nito sa kanya. Kapag may binura siyang alaala, sa kanya 'yon mapupunta.

Gets niyo?

Basta.

What I mean is lahat ng hindi maalala ni Eli ay siya 'yong makakaalala, maaapektuhan siya dahil do'n.

"Pero Aeria-----------"

"Ayoko nga sabi. Alam mo naman kung anong mangyayari kapag ginawa ko 'yon diba?"

Oo, alam ko nga. Hindi pa niya masyadong nama-master ang ability niyang 'yon kaya nahihirapan din siya.

Tulad no'ng nangyari sa isang estudyante ng Academy, nakita nitong aksidenteng napatay ng kaibigan niya ang isa pa niyang kaibigan, nangyari iyon dahil sa pag-eensayo.

Parang na-trauma 'yong babae at halos mabaliw na kaya nanghingi ng tulong ang iba pa niyang kaibigan sa pinsan ko na kung maaari ay burahin niya ang pangyayaring 'yon sa isip ng babae. Dahil sa isa siyang prinsesa at maaawain din ay tinulungan nga niya ito pero di niya alam na sa kanya pala mapupunta ang alaala ng babae.

Tuwing gabi, napapanaginipan niya ang pangyayaring 'yon kaya sobra siyang nahirapan. Mabuti na lang at nagawa ng ama niyang burahin 'yon sa isip niya. Simula no'n, hindi na niya ginamit pa ang abilidad na 'yon.

THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon