CHAPTER 11
•ZABBY's POV•
"I'll teach you the basics about that sport. I'm not an expert so bear with me, okay?" sabi ni Harry na ikinatango ko.
Nandito kami sa gitna ng court at nagsisimula na siyang magturo. Puting T-shirt ang suot niya na medyo fit sa kanya tapos maong pants. Bagay sa kanya ang ayos niya habang nakahawak ng bola.
A-ang pogi! Este ano raw? Kailan pa ako humarot ng ganito? Ew, nababaliw na ako.
Pero kasi...bakit niya ba ginagawa ito? Hindi naman siya obligated na maging coach k------
"Hey! Are you listening?" untag niya kaya napaayos ako ng tayo.
"Oo naman hehe" sagot ko at nag-peace sign na lang.
"Okay. I'm going to tell you first the basic technical skills in playing volleyball. Those are shuffling, basic stance, passing, setting and serving. You'll gonna understand it later but first---------"
Todo explain lang siya tungkol sa volleyball habang ako nakatingin lang sa kanya, hindi ko nga alam kung pumapasok ba sa utak ko 'yong mga sinasabi niya eh.Kapag nag-e-explain siya, tumatango lang ako para isipin niyang naiintindihan ko kahit ang totoo ay wala naman talaga akong naiintindihan hehe.
Hawak-hawak niya ang bola at kung ano-anong pinaggagawa, muntik pa akong matawa pero mabuti na lang at napigilan ko. Mukha kasi siyang tanga, pffffft ambad ko.
"Remember that in the match, you have to reach far to the left and right to pass the ball, okay?"
"O-okay"
Huhu bakit ba ako nasadlak sa dusa? Saka required ba na kapag coach eh dapat mag-e-english? O pa-feeling cool lang 'to?
"Next, gonna explain you about the tactics. Have you ever known about 'Catch and Toss'?" tanong niya habang matamang nakatingin sa'kin.
Next na pala? Ba't parang wala akong natutunan? Jusko, sana naman makaraos ako sa hirap na 'to.
"O-oo ata?" alinlangan kong sagot.
Malay ko ba.
"Catch and Toss. You'll catch the ball and then toss it to another player, naririnig mo ba ako?"
"Oo nga sabi. Open na open itong tenga ko kaya naririnig kita, continue na kasi"
Haynaku. Ano bang tingin niya sa'kin? Hindi nakikinig? Duh, nakikinig ako pero hindi ko siya naiintindihan.
Kung may demonstration pa sana baka ma-gets ko pa siya. Dumagdag pa ang kakaibang awra ni Gale kaya hindi ako maka-focus. Ang laki ata ng galit niya sa'kin, hindi ko naman aagawin itong sa Harry sa kanya, hmmmp.
"Do you understand?... I don't think so"
(0_0)
Paktay.
Nahahalata na niya ata ako. Eh kasi...ang hirap naman kasing pag-aralan lahat ng basics² na 'yan eh. Bakit ba kasi sa lahat ng sport, volleyball pa ang napili nila? Ugh kairita.
"Come over!"Agad akong napaangat ng tingin sa kanya pero napansin kong sa bleacher siya nakatingin. Paglingon ko, nakita kong papalapit ang iba pa niyang mga kasama.
Patay na. Tumawag ng back-up ang mokong. Ano na lang ang gagawin ko kung sakaling sila na ang magtuturo sa'kin? Baka ibato nila sa'kin ang bola sa sobrang inis huhu.
"Yow! Wazzup bro, Zabby!" pagtawag ni Zephyr habang papalapit, peke naman akong ngumiti.
"I've seen everything. Mukhang walang pag-asang manalo ang team ni Zabby, baka masayang lang ang effort mo n'yan" sabi ni Gale kay Harry na seryoso namang nakatayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/251680965-288-k99241.jpg)
BINABASA MO ANG
THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)
FantasyBook 2 of The Chosen Heiress (Unedited) ~ The princes and princesses of Lux Kingdom have a mission to accomplish in the world of mortals. Each of them has a different mission to be accomplished in order to finish their training and will receive an u...