CHAPTER 9: Forgotten

176 10 0
                                    

CHAPTER 9

ZABBY's POV

"Eyaaaaaa! Mahal kitaaaaa!"

"Kausapin mo na akoooooo!"

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo'ko kinakausaaaaaap!"

"Eyaaaaa!"

"Elizabeth Yvonne Andromedaaaaaa!"


Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa malakas na pagtawag na narinig ko, p-para akong nabingi dahil sa boses na 'yon. Hinihingal pa ako at pinagpapawisan.

N-nananaginip ata ako?

"Hoy Zabby-ghOrl!"

(0_0)

"G-gabby?" gulat kong sambit. Kailan pa 'to naging kabute?

"Ano? Okay ka lang? Kanina pa kita ginigising d'yan eh" maktol niya.

As in? Siya siguro 'yong tumawag sa'kin sa panaginip.

"Oo, may napanaginipan lang ako pero...ewan ko ba, di ko maalala kung ano 'yon eh" kunot-noo kong sagot habang inaalala kung ano 'yon.

Totoong nanaginip ako pero di ko na maalala. Ano kaya 'yon? Nacu-curious pa naman ako dahil do'n.

Hmmmm.

Ays! Di ko talaga alam kung ano 'yon *pout*

"Wag mo ng alalahanin 'yon. May ganyan talagang panaginip ghOrl na kahit anong gawin mo eh hindi mo maalala" sabi niya na ikinatango ko.

Uy, mabuti naman at gumagana ang utak ng taong 'to hihi.

"Oh ano? Hindi ka ba papasok ngayon ng school?" tanong niya na ikinagulat ko.

H-hala!

"May pasok?!" gulat kong tanong sa kanya.

"Wala ghOrl, kaya nga uniform ang suot ko ngayon eh" pamimilosopo niya kaya tinapunan ko siya ng unan.

Baklang 'to, ayt.

Dali-dali naman akong nagpunta ng banyo at naligo. Hindi ko alam kung natanggal ba mga dumi ko sa katawan dahil sa pagmamadali ko, yay.

Pagkalabas ko ng banyo ay wala na siya. Dapat lang kung ayaw niyang batuhin ko siya ng sabon, magbibihis pa ako eh.

Pagtingin ko sa kama, nakahanda na ang uniform na susuotin ko pati na ang sapatos at medyas. Siguro si mommy ang naghanda nito para sa'kin, ang sweet talaga hihi.

Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko na ang mga gamit ko pati na ang mga libro. Sana walang assignments mamaya para maiwan ko na 'to sa locker room.

"Anak, kumain ka na muna" pag-aya ni mom sa'kin no'ng nakita niyang bumaba ako.

Napatigil naman ako at naalalang hindi nga pala ako kumain ng agahan dati dahil na-late din ako. P-pero di ko na alam kung na late ba ako no'ng mga susunod na araw.

Bakit parang may kulang? Bakit parang may hindi ako naaalalang bagay na di ko alam kung ano? Weird, nababaliw na siguro ako.

Yay! Wag naman sana.

"M-mommy, ano kasi...m-malelate na po ka---------------"

"Kumain ka na muna Zabby-ghOrl. Don't worry, akong bahala sa'yo" sabat ni Gab habang nakaupo sa sofa at nagse-selpon.

THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon