CHAPTER 23
•AERIN's POV•
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Lagi kong naiisip ang mga anak ko. Kung ano na ang kalagayan nila at kung nagawa na ba nila ang kanilang mga misyon para makauwi na sila rito sa Lux.
Nitong mga nakaraang gabi, iba ang pakiramdam ko sa paligid. Para bang may kakaiba...'di ko matukoy kung ano.
Balisa ako no'ng biglang may yumakap sa akin—si Glaciero.
"You should sleep, wife. Pupunta tayo sa school bukas" aniya.
Sinagot ko siyang matutulog na ako at 'di naman siya umimik pa. Tama siya. Kailangan naming pumunta sa Academy bukas para makita kung nag-i-improve ba ang mga estudyante.Kailangan na rin naming sabihin sa kanila ang totoo kahit na kinakabahan ako sa pwede nilang maging reaksyon. Kailangan nilang maghanda para sa paparating na digmaan. Hindi ko 'yon kakayanin kung wala ang tulong nila.
Sa kalagitnaan ng katahimikan, narinig kong nag-iingay si Eggy. Ilang gabi na rin siyang ganyan tuwing ganitong oras. Hindi ko alam kung anong problema niya.
Dahan-dahan akong bumaba ng kama at pinuntahan ang kinaroroonan niya. Simula no'ng naging mag-asawa kami ni Glaciero, hindi na siya pumapasok sa katawan ko.
"Eggy? Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya. Malikot siya at parang 'di mapakali.
"Master! May masama po akong nararamdaman" nababahala niyang sagot. Hindi na siya tulad ng dati na dalawa lang ang ngipin, ngayo'y kumpleto na.
"Ano 'yon? May sakit ka ba?" tanong ko at agad ding napatigil no'ng naalala ko na hindi nga pala siya nagkakasakit.
"Master, hindi po lingid sa inyo na nagsimula na ang sinabi ng Urakulo. Naramdaman ko pong narito siya"
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at nanindig ang balahibo kasabay ng pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko.
Anong sinasabi niya?
"Sino?"
"Hindi ko po alam kung sino pero ramdam kong malakas siya at hindi po siya isang Luxier" sagot niya. Napalunok ako. Ayokong isipin na tama ang hinala ko. Paano na lang kung may nakapasok na alagad ni Dark dito sa mundo namin?
Walang imposible sa kanya!
"Eggy, pwede mo ba akong samahan kung saan banda sa Lux mo naramdaman ang malakas na enerhiya?"
Tumango siya. Bago umalis ay gumawa ako ng sariling clone at pinatabi kay Glaciero. Naabot ko na ang pinakamataas na antas ng cloning kaya hindi na niya malalaman ang kaibahan ng totoong ako at sa peke.
Sumakay ako sa likod ni Eggy, agad naman siyang lumipad palabas ng palasyo. Naka-invisible kaming dalawa kaya hindi kami napapansin at nakikita ng mga kawal. Ayokong malaman nilang lumabas ako.
Tuloy lang ang paglipad ni Eggy at 'di nagtagal ay naramdaman ko na rin ang enerhiyang sinasabi niya.
Dark magic.
Tama nga ang hinala ko!
P-pero sino ang pangahas na pumasok sa mundong 'to? Wala pang nababanggit sa akin ang mga anak ko na may alagad na si Dark.
Palihim kaming bumaba. Pinalibutan ko ng kakaibang shield si Eggy at ang sarili ko para walang sinumang makakaramdam sa enerhiya namin.
Nasa isang gubat kami. Halos hindi na makikita ang buong paligid dahil sa makapal na 'fog' na narito. Nakiramdam ako sa paligid, may naririnig akong kaluskos dahil na rin sa malakas na hanging dumuduyan sa mga sanga ng puno.
BINABASA MO ANG
THE INCREDIBLE SAVIOR (Completed)
FantasyBook 2 of The Chosen Heiress (Unedited) ~ The princes and princesses of Lux Kingdom have a mission to accomplish in the world of mortals. Each of them has a different mission to be accomplished in order to finish their training and will receive an u...